Chapter 5

14 2 1
                                    

ELLISH

Makalipas ang tatlong linggo sa pagpasok sa school at 'yung insidente na nagdulot ng pagkadala ko sa clinic, sa wakas sabado na ngayon, ibig sabihin no'n REST DAY!

SANA,

Kaso itong si Ian nambubulabog sa bahay.

"Sige na Elly, tulungan mo na ako mag prepare para sa surprise ko kay Zaira." Pagpilit nito habang busy akong nanonood ng kdrama.

"Ayaw." Pagbibiro ko dito kaya bumagsak ang balikat niya, 'tsaka ko siya tinawanan.

"Oo na, anong oras ba mag aayos?" Tanong ko rito habang nakafocus parin sa panonood sa may sala.

"4:00, kase ni-yaya ko siyang mag dinner mamayang 7 pm sa bahay." Paliwanag niya.

"Buti pumayag sina tita?" Pagbibiro ko sa kan'ya, alam naman kasi ng parents niya na sila na ni Zaira.

"Support naman sila sa'kin, kaya naghahanda na kami ni Zaira na ipaalam sa parents niya."

"Woah, goodluck bro!" Sabay tapik ko sa balikat niya.

"Wait- ba't ako lang ang binubulabog mo dahil sa surprise surprise nayan?" Napansin kolang naman kasi.

"Alam mo naman na ikaw yung pinaka close ko sa kanila, nakakahiya kasi kung sila aabalahin ko." Aba't-

"So sa kanila nahihiya ka? Sa'kin hindi?!" Bulyaw ko dito.

Kababata ko din kasi siya, sabay kami nila Ian at Nahla na lumaki sa Paris noon, pati na din si Friah.

When I was 4, my family decided to live in Paris dahil doon ang unang company namin na tinatag ni daddy at dahil din dito nakapag patayo pa si daddy ng isa pang company sa Pinas, pero di nagwork ng maayos 'yung sa Paris kumpara yung company na nasa Pinas kaya umuwi din kami dito kalaunan. Para makapag focus pa ng maayos si daddy sa company namin dito.

Ian's family also live in Paris, mas nauna pa nga sila sa'min dahil doon lumaki ang daddy niya. Magkakapitbahay kami noon at mag best friend ang mga daddy namin. But they also go to the Philippines dahil sa father ng mommy ni Ian, mahina na ito, at ang mommy nila Ian ay only child lang, because of that they just decided to live here for good.

We just started to live here again when I was in 3rd grade.

"Wag ka na mag reklamo, nagpatulong din ako kay Gray sa pamimili, ayaw mo no'n?" Sabay taas-baba ng kilay niya. "Gusto mo punta kana nga ngayon ehh, magbabasketball kami sa bahay kasama din si Renzo, makikita mo na naman si Gray non!" Patuloy niya.

"Ehh ano naman ngayon?" Pag taas ko ng kilay ko.

"Sus! Pasimple ka pa eh! Alam ko na mga galawang Ellish Blanco, yung tingin mo sa kaniya, yung-" patuloy pa nito kaya nagsalita na'ko agad, daming sinasabi, pareho talaga sila ng kapatid niya.

"Anong connect?" Pamimilosopo ko sa kan'ya.

"Anong connect, anong connect ka dyan, baka kayo may connect." Gumawa pa siya ng mukhang parang kinikilig sabay tawa nito.

"I know you well, even if you don't tell me! I know what's going on inside that head." Sabay turo pa nito sa ulo ko, tsk! "Why not? He's a great man!" Patuloy pa nito.

"Sino ba nagsabing gusto ko siya?" Tanong ko sa kan'ya, 'tsaka ko na pinatay 'yung tv dahil diko na naiintindihan, aga-aga kasing mambulabog ng lalaking to.

"Sino nga ba?" Tanong nito pabalik

"Tinanong kita tapos tanong din isasagot mo, ayos ah?"

Tapos ay ginaya gaya lang niya sinabi ko at nag paalam nang umalis.

A Place In My Heart [Editing]Där berättelser lever. Upptäck nu