Chapter 32

2.1K 71 30
                                    


Sa lahat ng paraan ng pagbuhos ng malas sa mundo, dalawa ang pinakaayaw ko. Una, yung sunod sunod at parang hindi titigil hangga't di ka umiiyak. Yung pangalawa, yung ipararanas muna sayo ang abot tahip na saya bago ka iwan para maligo sa sariling luha. Andun ako ngayon sa pangalawa.


"Nagkausap na kayo?" Tanong ni Sandra habang sabay sabay kaming nagdidinner ngayon. Tumingin ako sa kaniya bago dahan dahang umiling. Kita kong kumunot ang noo niya. "Bakit hindi?"


I heavily sighed bago binaba ang container ng pasta ko na hindi ko makain at kanina ko pa nilalaro lang. "Hindi ko alam kung paano."


Nakita kong nagtinginan si Lexine at Cassie. Kumpleto kami ulit sa condo bukod kay Ayumi na nagrereview sa labas para sa exam niya. Alam na nilang lahat ang nangyari kanina kaya eto, dinadamayan nila ako.


"Hindi ko gets, paanong hindi mo alam?" Tanong pa ni Sandra bago tumayo at kinuha ang malamig nang iced tea sa ref. Sinalinan niya ko sa baso. "You're jumping to conclusions, Trish. Na-meet mo na parents niya diba? Kung may asawa siya, I don't think they'll tolerate him."


"Ah oo nga! Nagmeet the parents na!" Parang bumbilyang nabuhayan si Cassie doon. Medyo excited siya sa ideya niya na napahawak pa siya kay Lexine bago nagsalita. "Baka crush lang ni Doc PatMae si Baby De Silva. Diba ganun ka sa BTS, Lex? Asawa mo nga si Jungkook eh."


Pagod akong tumingin kay Cassie bago mahinang ngumiti. Mukhang malabo, hindi na bata sila doc para sa ganun. But I know she's just trying her best to cheer me up. Sobrang bait ni Cassie minsan pakiramdam ko obligado ako maging okay para di sayang efforts niya.


"Or baka ex na? Ex-girlfriend, ex-fiance or ex-wife? Pero ex na, ikaw ang new," Lexine added. Tumingin pa siya kay Sandra na hindi rin maganda ang timpla ngayon. 


"Hindi ko alam, ang tingin ko dapat mag-usap sila ni Baby De Silva. Para tapos na. Tignan mo sarili mo, natulog ka ba?" Tanong ni Sandra sa'kin.


I sighed again bago pagod na umiling. Kinuha ko ang iced tea na sinalin niya at ininom bago kumuha ng pasta. Wala pa akong tulog dahil sa pagprepare sa case presentation ko. I was given time out today as merit na pwede ko sana magamit para bawiin ang tulog pero di ko nagawa.


Paano naman ako makakatulog? Nagulat nga ako hindi pa naninikip ang dibdib ko kakaiyak ngayon, hindi gaya ng dati. Siguro kasi may parte pa rin sakin na umaasa na baka mali yung narinig ko. Baka mali naiisip ko. Hindi magagawa ni Uno sa'kin yun.


And speaking of, my phone's light turned on, kasabay ng mensahe ni Uno.


"Oh ayan na ang gago, basahin mo dali," Si Sandra na nakadungaw din pala sa phone ko. Kinuha ko yun at binuksan.



From: The Baby

I'm home. Are you awake already? Rest ka muna bago umakyat. Baka mahilo ka 'pag biglang tayo.



Pinatay ko yun at hindi nireply-an. Gaya ng tatlo pa niyang mga text sakin kanina. Kakain na sana ako ulit nang makatanggap ulit ako ng message galing sa kaniya.

Hospital Series 1: ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon