Chapter 39

2K 92 61
                                    


My gaze travelled to all the people under the tents. I felt my heartbeat ran fast as I felt nervous for Uno. Naglakad ako papalapit sa bahay at ramdam kong nakasunod si Uno sa likod ko.


Hindi pa kami tuluyang nakakalapit nang lumabas sa isa sa mga tent si Papa. Naka-polo shirt siya na gray, nakatuck in sa maluwag na maong pants at hindi mawawala ang beltbag niya sa bewang. Naglakad siya papalapit sa amin.


"Papa," bati ko bago nagmano at yumakap.


But papa isn't paying attention dahil kunot noo siyang nakatingin sa taong nasa likod ko. He's trying to intimidate Uno. I gulped and looked at Uno na awkward na nakangiti.


"Good afternoon po, sir," bati niya bago yumuko.


I bit my lip para pigilan matawa, kasi ano bang akala niya sa amin, japanese?! Bakit siya yumuyuko?


"Uhm papa, si Uno po boyfriend ko," lahad ko ng kamay kay Uno. I looked at him 'saka tinuro si Papa. "Uno, ang papa ko," pakilala ko.


'Boyfriend daw'
'Ang gwapo'
'Ganda ng sasakyan, mukhang big time'
'Bakit inuwi? Buntis ba?!'


Pinandilatan ko ng tingin ang grupo ng pinsan ko sa malapit na table. Hindi ko alam kung hindi ba nila alam na malakas ang boses nila o sadyang pinaririnig sa amin.


Nilahad ni papa ang kamay niya. Uno glanced at me. Oo nga pala, hindi sila nagmamano sa kanila. I secretly raised my eyebrow and signalled him to bless. Luckily, he got what I meant. Inabot niya ang kamay ni papa at nagmano.


"Umiinom ka ba?" Tanong agad ni papa.


"Pa," saway ko dito.


Hindi pa man din nakakapasok si Uno sa bahay, sinisindak na niyang lalasingin. Natatawang bumaling sa akin si papa.


"Bakit?! Kami kasi dito, Uno, pag may bagong salta, nakikisama sa inuman," explain ni papa. He then look at Uno from head to toe. "Eh mukhang sosyal ata tong boypren mo, Trisha," sabi niya bago bumaling sa'kin.


Huminga akong malalim. "Galing kaming bya—"


Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil hinawakan ni Uno ang braso ko. "Sanay naman po kong uminom, sir," bida ni Uno.


"Yon! Sanay naman pala eh," si Papa bago ngumisi at tinapik ang balikat ni Uno. "Sige iho, pasok kayo. Nandun ang Mama ni Trisha. Batiin mo na rin, siya ang may birthday."


Umalis si papa at naiwan kami ni Uno. He was still smiling nang binalik sakin ang tingin. Sinimangutan ko siya. "Galing tayong byahe ha. Pag ikaw napano," I warned him.

Hospital Series 1: ParalumanWhere stories live. Discover now