Chapter 12

2.8K 113 26
                                    


"Uh, Trish, focus!" Inuntog ko ang ulo ko sa braso.


Twice? Thrice? Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang binasa 'tong paragraph na 'to pero di ko pa rin naiintindihan. Sobrang hati kasi ng atensyon ko at kahit anong gawin ko, bumabalik kay Uno ang isip ko. I can't help but read through his actions. Nag-a-assume tuloy ako!


I looked at Sandra sa kabilang study table, naka-salamin siya at seryosong nagbabasa. Sa aming lahat, siya ang pinaka-rational. Maybe she can knock my senses back.


"Sandra," tawag ko sa kaniya. Hindi niya ko pinapansin at tinuloy ang pagbabasa. "Sandra, huy," ulit ko, little bit louder. 


She looked at me, nakaawang pa ang mga labi. "Ano?"


"Anong ibig sabihin kapag ininvite ng isang lalaki 'yung isang babae sa birthday celebration ng aso niya?" tuloy tuloy kong tanong. Kumunot ang noo niya at kinamot ang gilid ng ulo.


"Ewan ko, mahilig sila sa aso?" she shrugged. My shoulders went down. "Bakit?" 


"Ha? Wa-Wala, wala lang."  Umiiling akong bumalik sa pagbabasa kunwari. I looked back at her through the corners of my eye.  I sighed. "Uhm, may friend kasi ako, nag-aask if may iba pang meaning 'yun. Wala naman diba?"


Umiling si Sandra. "Wala," she brutally said. Why am I feeling disappointed? Of course, wala lang 'yun. Ako lang naman nagbibigay ng meaning, eh. Sandra slides her computer chair papalapit sa'kin.  "Kung gusto ka, sa date ka yayain, hindi sa birthday ng aso. Sino ba 'yang weirdong 'yan?" 


"He-Hey! Hindi siya weirdo, tsaka hindi nga ako. Friend ko nga, ano ka ba,"tumawa pa ako ng konti para hindi halata. Sandra just raised her right eyebrow, unconvinced. Tumayo ako at nag-inat. "Uhm, pupunta ako sa mall, may papabili ka ba?"


Umiling naman siya kaya pumasok agad ako sa closet room namin 'saka nagbihis. The tips of my fingers were cold sa kaba. Pakiramdam ko Sandra can see through me at hindi ko alam bakit ayokong malaman niya -- nila. Siguro kasi ako mismo hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. And the last thing I wanted is for them to tell me the exact words I don't want to hear. 


***


"Kasya kaya 'to kay Chewy?" Tanong ko sa sarili.


Nandito ako ngayon sa PetExpress hawak ang isang polo na checkered para sa mga aso. May malaking pulang bowtie 'yun sa gitna. After walking endlessly, naisipan kong bumili na lang ng regalo kay Chewy. Nakita kong hindi siya dinadamit-an ni Uno kaya naisip ko na since birthday naman niya, magpolo siya. Plus, it'd look good in photos.


Should I just take a photo and send it kay Uno? Para macheck niya kung kasya, hindi naman siya ang reregaluhan ko so di niya kailangan masurprise. I took a photo at dini-m ko si Uno sa instragram.


Trishhh:

Hi! Kasya ba 'to kay Chewy?


I was surveying the toys and treats nang nagreply si Uno.


Hospital Series 1: ParalumanWhere stories live. Discover now