Chapter 47

2.3K 82 66
                                    


"Trish? Favor naman," tawag sa akin ng residente namin.


"Yes po, doc?" Mabilis kong lapit sa table niya. Kita ko agad na may hawak siyang referral form to Ophtha. Kinabahan ako agad. 


"Favor lang, akyat ka sandali sana sa Ophtha. Makiki-refer lang itong premature babies sa room 1 for ROP," sagot niya sabay abot ng apat na forms.


Napakagat ako ng labi bago tumango at umalis. Dumiretso muna ako sa Nurse station trying to find Cassie or Nicko. Alam ko masama magpasa ng trabaho pero hindi ko talaga kaya.


It's been days since the incident at simula noon hindi pa kami ulit nagkikita ni Uno. Paminsan may nagpupuntang Ophtha dito sa baba pero never nangyaring si Uno yun. At mas matagal kaming hindi nagkikita, mas natatakot akong harapin siya ulit. 


"Cassie, gusto mo ng milk tea?" I asked as soon as I saw her. 


Cassie looked up to look at me. "Kung trabaho 'yan, Trish, please lang maawa ka sakin. Pangatlong code na ng patient ko," she answered.


"Ako magreresuscitate kapag nagpang-apat," I offered. But that sounded wrong and it must be wrong dahil tinignan ako ng masama ni Cassie. "Okay, okay, sorry. Hindi na siya magcocode, sorry," I retreated.


Umalis ako and looked for Nicko instead. Pero hindi ko rin siya mahanap. I sighed and looked at the forms instead. Inaral ko na lang ang case. Alas dos na naman ng hapon, malamang nasa clinic na si Uno ngayon at di ko na maabutan dun. 


After I read the forms, dumiretso na ako sa Ophtha. My heart was beating wildly, pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Pero ganto naman ako lagi kada may bababang Ophtha sa department namin. Pero lagi wala si Uno. This should be okay.


I used that to comfort my system as I knock on the door. Dalawang katok bago binuksan ang pinto. My gaze immediately went to Doc Nathan. I surveyed the room, walang ibang tao doon. 


"Good afternoon po, Doc," bati ko sa kaniya. 


Doc Nathan looked up. His lip and the bruise on his cheeks were healing. Here comes the guilt again, but Doc Nathan just smiled. He gestured me to enter kaya pumasok ako. 


"Doc, sorry po ulit--" 


"Ahh, pang-ilang sorry mo na 'yan. Okay na," putol niya sa akin. I gave him a small smile. "Have you guys talked already?" he asked.


Dahan dahan akong umiling. I've been asking for apologies every time na nagkikita kami ni Doc Nathan. I felt bad lalo na noong mga unang pagkakataon. Senior niya kasi si Uno. The Uno I know alam kong professional at di siya pag-iinitan but...he's mad. Good thing though mukhang okay naman sila.


Umayos ng upo si Doc Nathan. "Hindi naman sa nakikisawsaw ako, Trish. Pero I think you should explain your side too. I'm sure he'd believe you," he said.


Tumango ako ng kaunti. Hindi ko naman pwede iexplain sa kaniya ang sitwasyon namin. Pinagsalikop ni Doc Nathan ang kamay niya at pinatong yung sa table. "So, ano yan, referral na naman? Puro kayo premature ah," biro nito.

Hospital Series 1: ParalumanWhere stories live. Discover now