Chapter 9

2.7K 109 45
                                    


"Trish?" Sumilip si Nurse Irma sa pinto ng quarters. "Nandito ba si Trish?"


Lumingon ako kay Nurse Irma at tinaas ang kanang kamay. Ang kaliwang kamay ko naman ay may hawak pang pizza na nilibre nila doc. Huling duty na kasi namin kaya naawit-an sila nila Nicko. 


"Andito po ko!" Lumapit ako sa kaniya para makapag-usap. "Bakit po?"


Lumabas naman siya sa kwarto kaya sumunod lang ako. "Pauwi na yung patient sa room 404, gusto ka raw niya makita bago umalis." My brows furrowed in confusion. "Magpapapicture daw sa'yo!"


Nurse Irma giggled and playfully smack my arms. Hindi ko service 'yung patient sa room 404 pero nakita niya ko when I went there to ask for help kay Nicko. Since then, vocal na siya na kamukha ko 'yung isang character sa walking dead. Hindi ko pa napapanood 'yung series so hindi ko kilala 'yung sinasabi niya, I just hope hindi zombie 'yun. Geez. 


"Naku kang bata ka, andyan na nga si Doctora!" Nahihiyang sigaw ng matandang bantay ng pasyente. "Doctora, pasensya ka na, nakakahiya naman."


I smiled at them, kinikilig na tinatawag nila kong doctora. "Okay lang po, kamusta kayo?" 


Tumingin ako sa pasyente. Wala sa'kin ang details niya kaya hindi ko alam kung ilan taon na siya talaga pero tantya ko, nasa 10 or 11 pa lang siya. Nakangisi siya sa'kin. "Mas kamukha mo si Rosita ngayon. Pwede po ba magpapicture?"


Sino muna si Rosita? Alanganin akong ngumiti, not sure if I should be happy.  "S-Sure, hehe." 


Tumabi ako sa kaniya at nagpicture kami.  "May boyfriend ka na ba, doc?" Agad naman siyang pinalo ng bantay niya sa tanong niya. "Ma naman, nagtatanong lang eh.  Meron nga, doc?"


"Ah, wala." Tumingin ako sa bantay na nanay niya pala at ngumiti -- to show her that it's okay. The patient cleared his throat. "Crush kita, doc. Hintayin mo 'ko, magdodoctor din ako. Grade six na ko, konti na lang!"


Tumingin ako kay Nurse Irma na nagpipigil ng tawa. I'd probably be in my 30s or more  by that time, sure ka ba diyan? Nakangisi kong binalik sa kaniya ang tingin. Namumula na siya. Ang cute. Tumango ako sa kaniya. 


"Sige, galingan mo mag-aral ha. Para magkikita tayo dito tapos doctor ka na." Ginulo ko pa ang buhok niya, lalong namula ang bata. Tumingin ako sa nanay niya na nahihiya sa'kin ngayon. "Mauna na po ako, ma'am. Kung may kailangan po kayo, sabihin niyo lang po."


"Sige po, doctora. Salamat po." Hinawakan niya ang kamay ko para kamayan. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, makulit lang talaga 'to." I nodded at her grinning.


I was still smiling as I turn my back para lumabas ng pinto but my smile faltered nang makita ko si Uno. Nakahilig siya sa bukana ng pinto at nakakunot ang noo. Hindi ko alam kung sanay na lang ba ko na nakasimangot siya because he's starting to look good on it. Parang artista na role lang ang pagiging doctor. Yumuko ako to acknowledge his presence at lumabas na lang sa natitirang space sa gilid niya.


"Excuse me po," nakuyuko kong sabi.


"Paasa ka." 


I stopped in my tracks. Gumilid ako sa hallway 'saka bumaling sa kaniya. "Huh?"


"Pinapaasa mo yung bata." Nakasimangot siyang sumandal sa gilid ng hallway, pinagsalikop ang mga braso. Lumapit ako to see his face. He's slightly smirking and his eyes were gentle. He's probably just joking pero I kept my face flat, just in case.  "Dapat sinabi mo na agad na hindi mo siya magugustuhan. Sasabihin mo pang wala kang boyfriend, binibigyan mo ng pag-asa yung tao."


"Sino may sabing hindi ko siya magugustuhan?" I said with feign seriousness.


Napaawang ang labi ni Uno. If he was joking earlier, my response really surprised him. "Ano?" Umalis siya sa pagkakasandal sa dingding at tumayo ng maayos. "He's a kid. You're more than a decade older than him." Madiin niyang sabi.


Hindi ko na kinaya and my lips broke out into a big, cheeky grin. "I'm just kidding!" Uno doesn't look amused. I laughed awkwardly. "--po. I'm just kidding po, hehe. But who knows diba? Love is love." 


Uno rolled his eyes at hindi na ako pinansin. Pumasok na siya sa loob para kausapin sila. Probably para magbilin bago sila tuluyang mai-discharge. Sinilip ko sila sa pintuan, he's explaining something. Nagsalita ang kausap niya and he bit his lower lips habang tumatango tangong nakikinig sa kausap. 


"Hala si dokie, matunaw 'yan si Baby De Silva mo." Lumingon ako sa gilid ko at nakita si Apple na tinataas baba pa ang kilay sa'kin. "Infairness sayo, ang galing mong pumili. Gwapo na, mabait pa."


I snorted but didn't comment on that. Apple sighed dreamily. "Grabe, dalawang beses na siya hindi nagpapabayad ng PF (professional fee). Naalala mo si Ray John, diba?" I nodded. "Ayun! Tinulungan pa niya sa pag-aasikaso para mailapit sa social services 'yung iba pang dapat bayaran."


I looked at him, he's now smiling sa sinabi ng kausap. "Kawawa 'yun, doc, no?" I nodded bago siya umalis at iniwan akong mag-isa. 


Sa totoo lang, most patients are like them. Sa una, nakakafrustrate kapag hindi sila sumusunod or kung hindi sila sumasang-ayon sa choices namin. Pero sa totoo lang, they would have, kung hindi lang issue ang finances. Kung sana libre lang ang lahat, o kung may sapat na pondo para sa lahat. Treating them would've been so much easier. 


Nagulat ako nang biglang lumingon sa amin si Uno. Galing sa pagkakangiti ay sumimangot 'to bago lumingon sa nakangisi sa'king pasyente niya -- 'yung nagpapicture. May sinabi siya sa kanila bago binuksan ang pinto at tinaasan ako ng kilay. I stared at him blankly.


"Wala ka bang ginagawa? Bakit nakasilip ka sa'min?" I blinked. I looked around thinking of words to say when he grabbed my shoulders, tinalikod at giniyang maglakad. His right hand remained resting on my right shoulder. I looked at it and then, at him. He glanced at my confused face and rolled his eyes.  "Bakit?"


Bakit? Uhm, nakaakbay ka po sa'kin? Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko masabi kaya umiling na lang ako. He rolled his eyes and continued walking...


...na akala mo normal sa'ming maglakad na nakaakbay siya sa'kin. 



****

A/N: Rosita of walking dead sa header! Hahaha masingit lang 'yung favorite character ko sa walking dead lol. 


Hope you like this chapter! Please vote and comment :D

Hospital Series 1: ParalumanWhere stories live. Discover now