Chapter 45

1.9K 67 65
                                    

Uno De Silva (9:00 AM):

Nagkita na kami ni Patmae at Anthony.


Uno De Silva (12:00 PM):

Nakauwi ka na? Can we facetime?


Uno De Silva (2:00 PM):

I'm sorry, I know you're busy. I just want to talk with you


Uno De Silva (6:00 PM):

Is everything okay? 


Ilang minuto akong nakatanga sa huling mga message ni Uno noong isang araw na tuluyan ko nang hindi nireply-an. I kept on using busy as an excuse these past few days and to be honest, valid naman dahil katatapos lang ng exit exam namin sa Surgery today. 


Pero parang nakokonsensya ko. Lalo pa at huminto na rin siyang magmessage sa akin kahapon. I should be happy, this is what I wanted right?


Pero bakit ganun, parang may mali. Parang mas masakit.


"Nako, mukhang nahirapan sa exit exam ah," a familiar voice said.


Napatingala ako galing sa pagkakayuko and saw Doc Nathan's goofy grin. He then chuckled at umupo sa tabi ko. "Pasado 'yan! Tsaka kung hindi, may magagawa ka pa ba? Tapos na yung exam, bawi na lang sa susunod," he added.


I gave him a small smile. Mahirap ang exam kanina, lalo pa at hindi ako nakapagreview ng maayos kagabi. Pero that's the least of my concern now. I've been thinking about a lot of things these days na nakamoveon ako agad doon.


That's not same with Cassie, Nicko and Lexine though. Kasi bumalik sila sa loob para ireklamo ang ilang test questions. Kaya naiwan ako dito sa catwalk mag-isa habang nakaupo sa bench.


"Mogu mogu?" He offered his pink bottled drink to me. 


Mabilis akong umiling pero kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang mogu mogu. "Sige na, yan iniinom ko pag feeling ko babagsak ako. May magic yan," he joked.


"Hindi na, okay lang talaga," tanggi ko pa rin. 


Doc Nathan stopped insisting and looked in my eyes. Naconscious tuloy ako, lalo pa ng tinaas niya ang hintuturo niya at dinampi yun sa kaliwang mata ko. Napaatras ang ulo ko doon. "Swollen," he said.


Napakunot ang noo ko, hindi siya nagegets. He got that moment to grab my left hand and wrap it around his drink. "Your eyes are swollen, halatang you just cried hard recently. You need this,  replenish the wasted fluids," he said bago tumayo. 


Napakurap kurap ako sa kaniya, he's already towering over me, his right hand in his pocket, wearing his eternal goofy grin. Ilang sandali bago niya tinaas baba ang kilay niya, too playful to make me smile. Napailing ako. 


"Mogu mogu? Diba dapat water lang?" I asked.


Hospital Series 1: ParalumanWhere stories live. Discover now