Chapter 16

2.8K 121 56
                                    


"I want to get to know you better."


"I want to get to know you better."


"I want to get to know you better."


Parang echo na paulit-ulit pinrocess ng utak ko 'yung sinabi niya. Napakurap-kurap ako. Tama ba pagkakaintindi ko? Or maybe, binabawi na ng utak ko yung mga araw na inabuso ko siya kaya kung anu-ano na naririnig ko ngayon. Pinilig ko ang ulo ko bago hilaw na tumawa.


"Ha? Ano ulit?" Umatras ako ng konti. We're not that close but I just felt that I need to put more space to get hold of my sanity. 


Binalik niya ang dantay ng braso sa barandilya, tinanaw ulit ang city lights. "Narinig mo na, bakit kailangan pang ulitin?" Sabi niya bago iritadong bumaling ulit sa'kin. "Kung ayaw mo, just tell me. Stop playing dumb."


Siguro nga nababaliw na 'ko dahil imbis na mairita rin ako, natatawa pa ko ngayon. I pursed my lips to stop myself from smiling. "I'm not playing dumb. I'm just not sure if I heard you right." 


Hinablot ko ang braso niya to make him look at me again. Sumulyap siya sa kamay kong nasa braso niya bago binalik ang tingin sa mga mata ko. Nakasimangot siya at nagmamatigas na tumingin sa'kin. Umirap ako sa kawalan. 


"Ano nga?" He stubbornly looked back at the city lights, ignoring me. "Ayaw mo talaga?" 


He continued to ignore me and it's slowly getting on my nerves. Bakit pa niya ko dinala dito kung 'di naman niya ko papansinin? Gusto ko lang naman ulitin niya dahil baka mali ako ng pagkakaintindi, ako pa mapahiya. Babanat sana ko na aalis na nang tumunog ang phone ko. Nilabas ko 'yun at sabay kaming napatingin ni Uno 'dun. Si Doc Nathan.


"Hello, doc?" sabi ko nang medyo mahina ang boses. "Napatawag ka?"


I heard some shuffling bago siya sumagot. 


[Trish, naiwanan mo yata yung windbreaker jacket mo sa exam room kanina.]


Napapikit ako ng mariin. Sa sobrang pagmamadali ko kanina, pati jacket nakalimutan ko na rin. Pagdilat ko ng mata, si Uno agad nakita ko. Nakaharap na siya sa'kin, ang dalawang siko'y nakasampa sa railings at nakataas ang kilay na nakikinig. 


[Or hindi sa'yo 'to? Kamukha kasi ng lagi mong suot during lectures last year.] 


Tumalikod ako kay Uno dahil naiilang sa titig niya. "Ah, sa'kin nga yata. Nakalimutan ko," I let out a small laugh. "Hashtag disoriented Trisha after exam." Narinig ko ang konting halakhak sa kabilang linya. 


[Wala namang bago 'dun. Lagi ka namang sabog.]


"Huy, oa ka, doc. Minsan lang no!" Medyo natatawa kong alma. Tumikhim si Uno sa likod ko kaya nilingon ko siya saglit at hinarap ang kamay ko para sabihan siyang sandali lang. Kita ko ang iritasyon sa mukha niya kaya tumalikod na lang ako uli. "Okay lang ba sa'yo muna, doc? Kuhanin ko na lang bukas."

Hospital Series 1: ParalumanWhere stories live. Discover now