Chapter 19

2.6K 94 52
                                    

A/N: 

 'J.I.' means Junior Intern. Which is also same with clerks and 4th year medical student. Synonyms 'yan lahat. Some doctors refer clerks as J.I. kasi. 


***

"Good work today, J.I. Salazar," sabi ni Doc Marasigan sa'kin. 


I smiled kahit naka-mask naman ako at hindi niya makikita. Nandito kami sa OR (Operating Room) at successful ang naging operation. I was commended a lot of times dahil nasasagot ko ang mga tanong niya tungkol sa pasyente. I was also asked about the procedure na nasagot ko rin. And lahat dahil kay Uno. I grinned more as I remembered how extra patient he was last night. Lalo na sa mga common sense questions kong sinasagot pa rin niya.  Well, syempre with his usual attitude and eye rolls.


After we wrap up, Doc asked me to report back to the patient's family since marami pa siyang aasikasuhin. Pagkalabas na pagkalabas ko sa OR, sinalubong agad ako ng bantay ng patient namin mula sa gilid. 


She gripped my arms, a little panicky. "Doc, nanay ako ng pasyente. Kamusta po siya?" 


I smiled at her. "Successful po ang naging operasyon. Kailanga--"


I wasn't able to finish what I'm going to say because the woman immediately hugged me. Caught off-guard, medyo nahuli ang yakap ko sa kaniya pabalik. She's crying. "Salamat sa inyo, doc. Salamat talaga ng marami."


My heart melted. "Ginawa lang po namin makakaya namin, hehe," I smiled habang medyo hinahagod ang likod niya para matulungan siyang kumalma. 'Pag-angat ko ng ulo ko, my smile faltered a bit. 


Doc Nathan was there in his navy blue paired scrub suit. Parang napatigil din siya nang makita ako doon na yakap ng pasyente. I gave him a small smile and hoped that it wasn't awkward. Huling usap kasi namin, nung gabi pa na binalik niya sa'kin yung jacket ko. After nun, wala na. Kapag nakakasalubong ko siya, lagi siyang busy sa kung anong hawak. Kapag tatawagin naman, hindi man lang lumilingon. Minsan feeling ko sinasadya niya na lang na 'wag ako pansinin.


He gave me a small smile -- seemed different than his usual goofy smile. Pero nang dumaan siya sa gilid namin, tinapik niya ang ulo ko. Dalawang tapik gaya ng dati. I grinned, maybe nag-ooverthink lang ako. Baka pagod lang siya. Tsaka bakit naman niya ako hindi papansinin, eh wala naman akong ginagawa?


***


My first 24 -hour OR duty went by fast. As in literal na hindi ko napansin dahil ang bilis ng pasok ng mga pasyente. Pakiramdam ko may nagriot near our hospital kagabi dahil sunod-sunod ang emergency cases. And I'm really glad na holiday ngayon. Atleast hanggang 12 pm lang kaming mga hindi na duty.


Chinky Radish:

12 pm din out ko. Gusto mo sumabay?


I smiled at Uno's text. His offer was on-point dahil ayoko na magcommute sa pagod. Tsaka gusto ko rin magpasalamat sa kaniya. Kaso, sale sa etude ngayon. Buy 1 take 1 yung lip tint nila and wala na kong libreng oras para bumili this week but today. 

Hospital Series 1: ParalumanOnde histórias criam vida. Descubra agora