Chapter 7

2.8K 115 107
                                    


Nakatulala ako ngayon na nakatingin sa starbucks habang nasa loob ng sasakyan ni Lexine.  Nagpustahan kami na kung sino ang late na magigising, hindi pwedeng uminom ng kape for a day. At syempre, perfect opportunity ito para itorture ako ni Lexine. They all know I can't live nang walang kape sa sistema ko.


"Gracious mio, Trish! Kawawa ka naman!" tumatawa syang pumasok.


Malungkot akong humarap sa kaniya, langhap na langhap ang freshly brewed coffee na hawak niya.


"Wait picture-an kita," she giggled while taking a picture. Sumakay naman ako sa gusto niyang mangyari at nagpose ng pinakanakakaawa kong mukha.


"Did I really deserve this? 20 minutes lang akong late sa gusto mong gising. Hindi pa nga late ang 5:50 am!" I tried to negotiate to her, pero tinawanan lang niya ako.


Late na kasi ako nakatulog kagabi dahil tinapos ko pa ang report namin. It's saturday, and half day lang kaming mga hindi duty. Nakalaan yun para sa grand case conference na mangyayari ngayon. Kasama rin namin ang mga duty at mga from-duty, so mamaya, ang maiiwan lang ay ang mga duty.  


Tatlong team ang magrereport ngayon tungkol sa mga piling patients namin. Kung ano ang nangyari, ano ang diagnosis namin at anong treatment ang binigay. 'Saka kami gigisahin sa mga choices namin. Kung bakit yun ang ginawa instead of other treatment options.


Nagscroll ako sa messenger at nakitang sinend ni Lexine ang picture ko sa groupchat namin. Mukha akong kawawa! Nakapout ako at sa background ay starbucks. Natatawa kong sinave 'yun at nilagay sa IG stories ko. Nilagyan ko pa ng caption na 'I waaant' bilang pagpapaawa kay Lexine.


Kasalukuyan akong nagscroscroll sa social media accounts ko nang nakatanggap ng message galing kay Uno. Bigla akong dinapuan ng kaba di ko pa man din nabubuksan. Nagreply siya sa IG story ko!


Unoarturo_:

Ano


Huh? Anong ano? Kunot noo akong nagtatype na sana ng reply nang nagsend ulit siya ng message.


Unoarturo_:

Anong room ang case conference natin?


Why is he asking me this? Siya ang nag-announce na sa hospital department conference room. Well, unless may recent announcement na sa iba. Shit, baka nalipat sa conference room ng academic building at hindi sa ospital!


"Lex! Saan ang case con natin?" Nagpapanic kong sabi kay Lexine.


"Huh? E'di sa conference room. Bakit?" Tinigil niya ang sasakyan sa gilid ng nakita na medyo nagpapanic ako.


"Tinatanong ako ni U-- I mean ni Doc De Silva." I'm not sure if I'm allowed to call him 'Uno' out loud. Hanggang ngayon, sa utak ko lang sya tinatawag na ganun. I showed her the message.


"He follows you?!" Halos pasigaw na sabi ni Lexine at inagaw ang phone ko to confirm it.


Hospital Series 1: ParalumanWhere stories live. Discover now