Chapter 6

2.7K 115 17
                                    

A/N: Samgyeopsal sa header!! Credits: Photo grabbed from Samgyupsalamat - San Juan Facebook Page. 

Definition of terms (HAHA): Syncope/ Syncope episode - Medical term for fainting and passing out.


Please vote and comment! Enjoy! 

***


Ilang minuto pagkalabas ni Uno, kumalma na rin ako. Ilang beses akong huminga ng malalim at uminom ng tubig bago tuluyang lumabas. Dumiretso ako sa nurses station, walking head down. I'm too shy to face anyone, lalo at ako pa talaga ang umiyak. Walang tao doon pagdating ko bukod kay Cassie.


She offered a smile, dala ang maliit kong kikay pouch at patient chart. Medyo natawa ako, she really knows me well. 


"You should retouch. Papatayin mo ko kapag nalaman mong pinabayaan kitang ganyan ang itsura mo." I smiled at her, slightly touched.


"Kamusta si Nanay Soling? Is she stable?" I asked. I have to see her and make sure she's okay. I also want to say sorry.


"Oo, na-stabilize na raw ni Baby De Silva kanina bago tayo pinatawag lahat." Inabot niya sa'kin ang pouch ko. "Sige na, Trish, kahit maghilamos ka na lang muna."


I hesitated. After all these, iisipin ko pa ba talaga ang itsura ko? 


She probably noticed it kaya tinulak na niya ako papalayo ng nurses station. "Come on, I already monitored your patients. Sasamahan pa kita kay Nanay Soling later. Everything's okay already. Go na!" 


I looked at her again, still hesitant. With a sigh, sinunod ko na siya. 2 minute bathroom break won't hurt, right? 


 Pumunta akong cr, nagponytail ng buhok at naghilamos na lang. Lalabas na sana ako pero di ko matiis ang namumugto kong mata. Pinahiran ko 'yun ng konting color corrector concealer bago naglagay ng cc cream ng mabilis. 


Like she promised, sinamahan niya ko sa kwarto ni Nanay Soling pagkabalik ko. She's still sleeping but stable. I sigh in relief.  "You were not in a good shape, Trish," Cassie said. "Walang may gusto sa nangyari. Learn from it, but don't be too hard on yourself."


*****


10 am na at nandyan na rin ang mga duty para ngayong araw. Tinatapos na lang namin ang iilang reports at papers bago papirmahan sa mga seniors namin. Surprisingly, walang biglaang quiz or case conferences ngayon. Akala ko magkakaron dahil sa nangyari kanina.


"Sorry, Trish," sabay lapag ng isang pirasong fox's candy. I looked up and saw Nicko's guilty face. "Kasalanan ko talaga 'yun. Nagpunta akong ER kaya hindi ko na nabalikan yung patient mo sa 408. Akala ko kasi okay lang na malagpasan, nung last na tingin ko kasi okay naman siya."


"Ano ka ba, 'di mangyayari 'to kung di ako naging pasyente bigla," I laughed to make things lighter. "Thank you sa pagsalo sa service ko, ah."


"Nako naman," padarag niyang kinamot ang batok niya. "Lalo kong naguiguilty. Wala ka naman talagang kasalanan eh. Pwede na kita gisingin nun, o itext si Cassie pero 'di ko nagawa."

Hospital Series 1: ParalumanWhere stories live. Discover now