Chapter 42

1.9K 77 56
                                    


Warning: Some parts may not be suitable for young audiences. I kept it clean naman (as always) pero I encourage you to skip the parts with '!!!' in the beginning and end kung underage pa kayo. Thank you! 

****

"I met someone earlier," I said almost a whisper.


Uno stared at me waiting for me to continue. I bit my lip. "It was a 5 year-old boy looking for his dad sa labas ng department niyo," I added.


"5 year-old boy?" He asked, kunot ang noo at mukhang naguguluhan. He then smiled ng konti at ginilid ang ulo. "Anak ni Jigger?" He asked.


I shook my head. I bit my lip at umayos ng upo. Diretso akong humarap sa kaniya. I held his hand. Here goes nothing...


"Anak ni Doc Patmae," I finally said.


I stared at Uno's eyes who was taking his time digesting what I said. His smile faltered bago napakurap kurap. Inatras niya ang ulo and forced a chuckle. "Yeah, right," he replied unclasping our hands.


Tumayo siya at pumunta sa kitchenette niya. Sumunod ako. "It's true!  I'm not joking, Uno. Inamin din ni Doc Patmae," banggit ko.


Hindi siya sumagot at binukas ang ref para kunin ang pitsel ng tubig. Nagsalin siya sa baso bago ininom. Kinalahati niya yun bago tumingin sa akin. Umiling ulit siya. "No. We broke up 5 years ago. Walang bata 5 years ago, Trish," he explained.


"You broke up early 2016, Uno. 5 years old lang ang bata. You didn't know if Doc Patmae was pregnant when you two split up," I said. Palagay ko parehas na kami nang naiisip pero ayaw niyang tanggapin yun. Lumapit ako sa kaniya. "It could be yours, Uno."


Umiling ulit si Uno. "No. Hindi gagawin ni Patmae sa'kin yun. She left me but she's not as cruel as you think," he countered again. Umiling siya ulit bago pilit na ngumiti. "Baka naman 4 years old ang bata, baka may nakilala siya pagkatapos ko."


"Anthony ang pangalan ng bata. He's as fair as you and you know what he answered when I asked for his name?" I asked Uno. 


Umiling ulit siya at umiwas ng tingin. Hindi na makangiti ngayon as he clenched his jaw. "Sabi niya hindi daw siya magbibigay ng pangalan sa strangers, Uno. Hindi ba familiar sayo yung ganung attitude?"


Uno didn't answer. Umupo siya sa bar stool at inubos ang tubig. I knew how hard headed Uno was, alam ko rin na mahirap siya kausap. Pero yung ganitong alam kong naniniwala siya pero pilit niyang nilalabanan was the hardest to deal with. Hindi siya nagsasalita pero alam kong apektado siya.


"Uno," tawag ko. "Say something."


Inangat niya ang tingin sa akin. I can't read his expression. His eyes were strained and his jaw was still  clenching. Para siyang galit na malungkot na hindi ko maintindihan. "What do you want me to say?" 


Hindi ako sumagot. Hindi ko rin naman din alam ang isasagot ko. I don't want to make it worse for him. Iniwas niya ulit ang tingin. I put my phone on the table near him. "May number ako ni Doc Patmae. I gave it to you dati pero baka binura--"

Hospital Series 1: ParalumanOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz