Chapter 14

2.7K 103 76
                                    


"Shocks! Sabi ko na nga ba, pinalitan ko pa!"


Naiinis na tinupi ni Cassie ang notes niya at binalik sa bag. Nandito kami sa hallway ng Academic Building. Katatapos lang ng comprehensive exam at nagkukumpulan na ang mga tao. May mga nagdidiscuss ng mga sinagot nila, meron din nagtatalo kung saan kakain, at merong katulad ko na busy sa pagtitingin sa phone. May isa akong unread message.


Chinky Radish:

Goodluck. 


I smiled in reflex. Since nung dinner namin ni Uno, palagi na akong nakakatanggap ng texts galing sa kaniya. Parang alarm clock na nagreremind sa'kin ng mga dapat gawin. He'd text me to study, eat and sleep, which is a big help. Dahil ang kalat kong nilalang. 


"Coloboma ba 'yung sagot sa number 13?" Tanong ni Nicko na biglang dumungaw sa phone ko. 


Mabilis ko naman 'yun nilayo sa kaniya 'saka tinago sa bulsa ng blouse ko. I'm not usually this secretive, lalo sa kanila. They know all my exes and every problem of my relationships, kaya nga minsan they label me as drama queen. Pero ngayon, I just don't want other people to know. Kahit kasi paulit-ulit kong isuksok sa isip ko na there's nothing special about all these, something in me tells otherwise.


 Lexine crossed her arms, "Ano ba tanong?"


"'Yung sanggol tapos may congenital problem din. 'Yung may CHARGE syndrome na kasama," tinapik ako ni Nicko para maisama sa usapan. Tumango ako sa kaniya pero automatic ang tingin ko sa faculty office na nasa bandang likod ni Cassie. Nasa loob noon si Uno. 


"Ha? CHARGE syndrome ba 'yun? Cataract ata sagot ko, shet," si Cassie na nagkakamot ng ulo. "Ikaw, Trish. Ano sagot mo?"


Saktong labas naman ni Uno sa office. He surveyed the crowd na parang may hinahanap. I dodged bago pa niya ko makita sa gilid. Napatingin ako sa mga kaibigan ko nang yumuko, they're all watching me. They all looked weird out, nakangiwi pa si Cassie. I smiled awkwardly at them.


"Ah, Coloboma rin sa'kin," I answered her earlier question. Cassie doesn't look convinced and tried to peek behind her back pero hinila ko siya. "Pero pwede ba congenital cataract 'yun?" 


Cassie stared at me longer than necessary. I tried to keep my smile up and silently pray for her to let it go. And she did. The conversation in our group continued as if nothing happened. Sumulyap ulit ako sa likod ni Cassie and met Uno's eyes. Nakatingin siya sa banda namin. He raised his phone up, signaling something. Kinuha ko ang phone sa bulsa.


Chinky Radish:

I'll go home, gusto mo ba sumabay?


My heartbeat raced. I feel like I'm in a secret relationship kahit wala naman talaga. I looked at my friends busy arguing, mukhang hindi naman ako napapansin. I bit my lip and texted him back.


Ako:

Hindi na, mauna ka na. Safe drive :)

Hospital Series 1: ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon