Chapter 24

2.7K 94 130
                                    


From: Doc Nathan Hidalgo 

Nasa labas ako, smoking area.  


From: Doc Nathan Hidalgo

Sa catwalk bench ka na lang mag-intay, mausok dito.


Kumunot ang noo ko doon. Does he smoke? Parang out of character ng smoking sa kaniya. I mean, he looks rough and all pero he's one of the most gentle person I know sa ospital na 'to. Isa pa, bilang doctor, alam niya ang negative implications ng paninigarilyo. Wala nga ko maisip na sakit na hindi risk factor ang smoking. 


Ilang sandali pa lang ako nakaupo sa bench ay naaninag ko na agad si Doc Nathan. I smiled at him at kumaway. He smiled back, medyo hinawi pa ang buhok pataas bago lumapit. He's wearing his scrub suit uniform and black rubber shoes. Sa isang kamay niya ay may plastic ng 7/11.


"Sorry. Matagal ka ba nag-antay?" sabi niya bago nilahad sa'kin ang plastic na dala. Tinanggap ko 'yun. "Peace offering," he explained. 


"Di naman kailangan 'to, doc," sabi ko bago sinilip ang loob ng plastic. Agad akong napangiti when I saw two boxes of nerds inside. Para akong batang ngumisi sa kaniya pabalik. "Hala thank you po!"


He shrugged bago umupo sa tabi ko. 


"Tama diba? Nerds favorite mo?" I nodded, quite touched na naalala niya pa. "Bakit mo ko hinahanap?"


Tsaka ko lang naalala ang cookies! Lagi ko na lang nakakalimutan. Kinuha ko 'yun at inabot sa kaniya. His gaze moved to the cookies, then back to my face. His lips slightly parted at parang nagulat doon.


"Ah pinapaabot po ni Dra. Madrigal. Sa gcash niyo na lang daw po bayaran," I explained.


Kumunot ang noo niya dun but he accepted anyway. Napakamot pa siya sa gilid ng ulo niya. "Pero hindi ako umorder?"


"Huh?" 


"Mukhang holdap na naman ah." Medyo natawa siya doon bago binalik sa'kin ang cookies.  "Sayo na lang, hindi naman ako mahilig diyan. Sabihin mo na lang babayaran ko."


Napatawa ako but I feel bad for him. Yes, gusto ko rin ng cookies pero Doc Nathan's going to pay for something he doesn't want. Although mukha namang mayaman si doc, tingin ko pa rin unfair 'yun. Unless they're close?  Pero kahit na eh, I feel sad tuloy na he smokes pa.


"Do you smoke po, doc?" Tanong ko nang di ko na mapigilan. 


Umiling siya. "Nagquit na ko 4 years ago," he explained. Pinakita niya ang stick na hindi gamit sa kamay niya. "I'm just stressed out right now kaya nagpunta ako dun. But I didn't smoke."


Tumango ako, quite guilty that I almost judged him. 'Saka ko lang din napansin that he looked tired nga. Mas kita ko na ngayon ang eyebags sa ilalim ng mata niya. Toxic ba sila today? Ahh, baka kaya biglang nagsungit si Uno kanina. 

Hospital Series 1: ParalumanWhere stories live. Discover now