Chapter 46

1.9K 73 34
                                    


" Uno!"


Sigaw ko nang makitang napaupo si Doc Nathan sa lapag sa lakas ng sapak niya. Horror filled my system, lalo nang mabilis ulit niyang sinugod si Doc Nathan. Doc Nathan held Uno's arm pero mabilis siyang nasapak ulit ni Uno.


"Stop it! Uno!" I shouted horrified. 


I hurriedly went to them at mabilis na pinalupot ang braso sa bewang niya, pulling him off Doc Nathan. Galit na galit si Uno, I can feel almost all his back muscles contracting sa gigil. I can't see his face pero sa pula ng batok niya, malamang ganito rin kapula ang mukha niya ngayon. 


He raised his arm again. Doc nathan also raised his to shield him from Uno. I screamed at payakap na hinila ang braso ni Uno. My cheeks were drenched  with tears and sweat already, panicking with everything. Sa hiya, sa takot, sa gulat, hindi ko na alam. 


"Tama na, Uno, please," iyak ko. 


Uno stopped midway. They were both breathing heavily. My hold relaxed a bit now that he stopped. Patulak niyang binitawan si Doc Nathan bago tumayo. That's when I saw Doc Nathan's face. 


Putok ang labi ni Doc Nathan and it's bleeding. Bukod pa yun sa bakat ng kamao ni Uno sa pisngi niya. Bumitaw ako kay Uno at mabilis na lumapit kay Doc Nathan to check his injuries. Baka nadali ang jaw, baka nagkaroon ng fracture. 


 "Tumayo ka diyan, Trish," Uno warned in a deep voice. "Tangina mo, Hidalgo. Sandali lang ako nawala," galit pa ring sabi ni Uno.


"Tama na Uno!" Sigaw ko to stop him. 


Uno stopped, quite shocked. Pity and guilt ate me whole but I just want everything to stop. Grabe ang hiya ko kay Doc Nathan, he already did a lot of favor tapos ito, masasapak pa siya. 


Wala kaming ginagawang mali. Yes, we didn't look appropriate at gabi na but it was nothing like that. Isa pa, we didn't expect that he'd be here.


"Bakit nandito ka? Wala pang isang linggo, hindi pa tapos ang--" 


I stopped mid sentence as I saw hurt in his eyes. Isang malalim na hangin ang binuga ni Uno as an attempt to bitterly laugh. He clicked his tongue at yumuko. Mabigat ang paghinga bago uli tumingin sa akin. His eyes were blood shot, pain was unmasked in his face.


"Ilang araw akong nawala and the first thing you'd say 'bakit ako nandito?'" He asked, hurt was screaming in his tone.


Hindi ako makapagsalita. I know I was wrong. Kahit valid ang tanong ko, the timing was wrong. I opened my mouth pero walang masabi. 


"You've been ignoring my calls and messages. Busy ka, oo, naiintindihan ko. Clerk ka eh, I've been there, alam ko kung gaano kabusy yan. I even accused myself clingy and paranoid," he bitterly snickered and looked away.  


His gaze then went to Doc Nathan behind me. Ilang sandali bago binalik niya sakin yun. He brushed his hair up bago tumango. 

Hospital Series 1: ParalumanWhere stories live. Discover now