Chapter 27

2.5K 80 33
                                    

Papalapit na ng papalapit ang pasko at unti-unti nang nararamdaman yun sa ospital. Katatapos lang din kasi ng department decoration contest kaya bawat department may kaniya kaniyang pakulo. We got the 3rd place kaya nagpapizza at chicken si Doc Marasigan for dinner. Sinabay na rin niya ang bunutan for exchange gifts.


"Shit," rinig kong mahinang mura ni Cassie. Tumingin siya sa'kin and tried to peek sa nabunot ko pero iniwas ko yun. "Sinong sayo? Palit tayo, ayoko to."


"Sino ba yan?" tanong ko kahit wala naman akong balak makipagpalit.


She showed me the paper at halos matawa ako nang nakitang yung terror namin na residente ang nabunot niya. I looked at the back para sa wishlist pero 'surprise me' lang ang nakalagay dun. Kinuha niya sakin yun at pagod na tumingin sakin.


"Bakit pa tayo naglagay ng wish list kung 'surprise me' lang din lalagay niya," maktol niya. Natatawa akong umiling at pinagpatuloy ang pagkain. Cassie moved closer to me. "Sino nga nabunot mo, palit tayo!"


"Ayoko nga," natatawa kong tanggi. Sumimangot siya sa'kin pero hindi ko siya pinansin. "Tuturuan kita magbake! Sige na, please palitan mo lang 'to."


"Aanhin ko naman yung pagbabake?" Tanong ko nang natatawa. She stared at me as if I grew another head. If she's doing this to make me curious, it's indeed effective. "Ano nga? Para saan?"


"Para pangregalo mo kay Uno!" Medyo napalakas ang sabi kaya tinakpan ko ang bibig niya at pinandilatan. "Hinaan mo nga boses mo," bulong ko sa kaniya.


"As if naman di pa kayo obvious," irap niya doon. "Diba di mo alam kung ano ireregalo mo? Edi ipagbake mo, effort yun. Tsaka hindi niya mahahanap sa iba kasi ikaw mismo gagawa."


Napaisip akong malalim sa sinabi niya. Malakas ang pakiramdam kong inuuto lang ako ni Cassie pero hindi ko maalis sa isip ko na maganda nga yung idea niya. Uno always cook for me and the last time that I attempted to cook for him, halos siya pa ang gumawa nun. But I remember how it lighten up his mood.


Lumapit sa amin si Nicko at siya naman ang kinulit ni Cassie. While I was left with my chicken, pizza and dilemma that Cassie created. Hindi pa ako makapagisip ng maayos gawa ng ang ingay nila ni Nicko mag-asaran. I am almost done with my food when I've finally decided.


"Cassandra," tawag ko kay Cassie na ngayon ay kinukurot na si Nicko. Lumingon sila parehas sa akin. Inabot ko ang papel na nabunot. "Oh. Akin na 'yan."


I watched how Cassie's eyes widen in happiness. Mabilis niyang inagaw ang papel at inabot sa akin ang nabunot niya. "Wala nang bawian 'to ha!"


I sighed. I hate how much my friends know my weakness.


*****


Patapos na ang duty ko at nasa isip pa rin ang nabunot na residente. Apat na araw na lang kasi at christmas party na namin. Ngayon na lang din ang natitirang oras ko para bumili ng regalo, pero hindi ko alam kung ano naman ireregalo ko. Hindi naman kami masyadong nagkakausap gawa ng ayoko nga sa kaniya.

Hospital Series 1: ParalumanWhere stories live. Discover now