Chapter 13: A Call from the Parallel World

Start from the beginning
                                    

Umigting ang mga labi ni Ranzou at umirap kay Emerson. Napakibit-balikat naman siya habang nakatitig sa plato.

"Ewan ko ba kung naniniwala kayong dalawa sa akin o pinagtutulungan niyo ako pareho," mahinang sabi niya.

Tumawa naman si Mimi habang inilagay ang isang plato ng pork cutlet sa mesa.

"Hay naku! Kay aga-aga pa nagbibiruan na kayo nang ganyan ah," natatawang saad niya. "Tulungan niyo na lang kaya si Riri sa paghahanda ng agahan."

Tatayo sana sina Emerson at Ranzou ngunit naunahan ko na silang ilapag ang malaking mangkok ng vegetable salad sa mesa. Ito na rin ang huling pagkain na ihahain namin sa mesa at sigurado akong kanina pa nagugutom ang mga alaga ko rito. Para lang akong nag-babysit sa mga 'to na talagang napapagod sa kare-review ng mga aralin sa midterms; kahit ang iba r'yan ay natutulog. Siguro nag-aral siya sa kaniyang panaginip.

"Ayos lang Mimi," nakangiti kong saad at tinanggal ang suot kong itim na apron. "Tapos na rin naman tayong maghain ng mga pagkain sa mesa at puwede na tayong kumain."

"Ayos!" Masayang sigaw ni Ranzou at pumalakpak. "Kanina pa talaga ako nagugutom Commander Ka--- Zenrie!"

Mariin na naman akong nakatingin sa kaniya at aakma na akong paluin ang hawak kong sandok sa ulo niya. Ayan na naman siya sa mga pang-aasar na 'yan na talagang kinaiinisan ko. Alam naman niyang may mga kasama pa kami ritong hindi pa alam kung sino ako sa laro lalong-lalo na sa iniingatan kong game pseudonym.

Baka gusto niyang magaya kay Jairus na sinipa ko sa open bench hallway.

Mahina naman akong tumawa at hindi na ako nag-atubili pang paluin ng sandok ang ulo niya. Napailing si Ranzou sa sakit at hinimas agad ito. Isa lang naman 'yan sa mga appetizer para sa mga mapang-asar na gaya niya ngayong umaga.

"Ituloy mong sabihin 'yon at talagang hindi ka na makakakain ng agahan Ranzou Nazario," sabi kong may diin sa huli. Inilapag ko na rin ang sandok sa mesa.

"Pasensya na Zenrie, nagbibiro lang naman ako eh!" padabog namang saad ni Ranzou.

Tumawa naman si Emerson sa kaniya na agad namang napatapik sa balikat nito. "Kapag inasar mo talaga si Zenrie tungkol sa bagay na 'yon, talagang wala nang magluluto sa atin dito sa dorm. Kaya umayos ka r'yan at baka ikaw pa ang maging biktima ng malupit niyang sword skill," natatawang asar niya kay Ranzou.

Kesa sa magkaroon pa ng hidwaan dito, minabuti ko nang awatin ang dalawang 'to. Kailangan na rin naming kumain upang makapasok na kami nang maaga sa klase. Nakasanayan na rin naming gawin ito simula pa noong wala pang pandemya. Tamang tambay lang sa university gazebo, library, at sa walang humpay na pagkukuwentuhan namin. Minsan pa nga manlilibre pa ang dakilang manager namin na si Ranzou sa tuwing mapanghihinaan kami ng loob matapos ang laro o sa exams.

Ang kakaiba nga lang sa kanya ay mag-re-review siya at matapos ang limang minuto knock out agad. Siguro iba-iba lang talaga ang mga estilo namin.

"Oh! Tama na muna 'yan at baka may mahampas na naman ako sa inyo," wika ko't napataas ng kilay sabay bato ng kunot-noong tingin sa dalawa.

Lumingon agad silang dalawa sa akin at mahinang tumawa sabay himas ng batok. Nakaka-stress rin talaga ang dalawang 'to minsan sa totoo lang.

Umupo na agad ako sa tabi ni Mimi at pinagmasdan ang aking mga kasamahan sa hapag. Agad kong napansing may dalawang upuan na bakante sa tabi ni Emerson. Minabuti ko na agad magtanong sa kanila.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now