Chapter 16: Acquaintance Party (continuation)

Magsimula sa umpisa
                                    

Madami pang pumuri sakin sa bawat table na madaanan namin. Tinatanguan ko na lamang sila. Ewan ko ba.

Parang i don't feel special.

Siguro kasi sanay na kong pinupuri.

Dati pa man, nagpeperform na kami at palagi nalang ako nasasabihang astig.

Sanay na kaya walang dating sakin yung mga pamuri nila.

Pero there's this one time na sobrang naging masaya ako. Ayun ay nung nagdrum ako sa worl of fun with luis. Sinabihan nya kong magaling and i can't help but smile.

Siguro, pag nagkagirlfriend ako, makakadama din ako ng saya higit pa sa sayang dinudulot sakin ni Luis.

I have to find a girlfriend.

Kung gusto kong mailigtas ang pagkalalaki ko, kailangang magka girlfriend ako. Bago pa mahuli ang lahat.

Bago pa ko tuluyang mahulog kay Luis.

"kamusta naman yung emosyon mo habang kumakanta?! HAHAHA. May pinaghuhugutan si Kookie! Hahaha" yun agad ang bungad samin ni Suga nung makarating kami sa table.

 

"gagu! Di ka lang maalam mag rock!"

"swag is my thing. Not rock dude!" gusto kong matawa sa pag aasaran nila.

Umiling nalang ako at pabagsak na umupo.

"ay putik!"

Pati ako, napatalon nung nagulat yung katabi kong nakaub-ob kanina.

"L-luis" nabigla talaga ako. Hindi ko naman inisip na si Luis tong makakatabi ko.

"ginulat mo naman ako" sabi nya habang nakahawak sa dibdib.

Napangiti ako sa reaction nya at napakamot ng ulo.

"sorry"

Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya. Sya ang kusang nag iwas ng tingin bago luminga sa paligid.

"sandali. Sundan ko lang si Jin. Nagbanyo ata"

tumayo sya at bahagyang inayos ang buhok.

Nakabonet nanaman sya pero bagay naman. Para syang si Honesto. Ang cute. Haha.

"samahan na kita" tumayo din ako.

Pati ako, nabigla sa sinabi ko pero hindi ko pinahalata iyon. Kaso masyadong transparent ang mukha nya at kitang kita ko ang pagkagulat nya.

Nadadama kong naiilang sya dahil sa recent confession ko but i have to do everything para mabalik sa normal ang pagkakaibigan namin.

"ikaw bahala"

Tumango ako bago sya sinundan papuntang banyo.

Nasa likod nya lamang ako kaya napapanuod ko ang kilos nya. Ang paraan ng paglakad nya. Ang makinis nyang batok.

When she entered Adonis Academy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon