E P I S O D E 5 5 - F I G H T

532 8 0
                                    

Chapter 55

Akala ko ay itutuloy niya ang halik ngunit tumayo na pala. Napaayos ako at iginalaw-galaw ang nguso ko. Napatayo na lamang ng mapagtanto ang ipinunta niya roon. Baka kapag hindi ako lumabas, isipin ni Bernadeth na galit ako sa kaniya. 

Dagli akong tumayo at sinundan siya. Abot-kamay niya na ang maliit na maleta ko nang pigilan ko siya. Hinarap ko siya at pumwesto sa pagitan nila ni Bernadeth.

"Madam?" Takhang tanong ni Bernadeth na bahid ng kaba. Nilingon ko muna siya para bigyan ng ngiti para malaman niyang hindi naman ako galit sa kaniya. Mukhang nagulat siya roon ngunit hindi ko na siya pinansin at bumaling kay Kreit na bahagyang nakakunot ang noo sa amin.

"Ah babalik na ako..." Tinuro ko ang nasa likod namin, pinatutungkulan ang silid namin ni Bernadeth. "Doon nalang ako magbibihis, nagamot mo naman ang sugat ko eh. Thank you tsaka sorry din kasi naabala ko pa kayo," sinserong ani ko. Nilingon ko si Bernadeth na napayuko roon. 

Tumango lamang roon si Kreit. Nakahawak siya sa hamba ng pintuan habang simpleng nakatitig sa akin.

"Ano..." Ano pa bang sasabihin ko? "Aalis na kami," paalam kong muli. Napahigpit ang hawak ko sa aking mini luggage. 

"Alright," simpleng tugon nito kasabay ng isang tango. Nakatitig parin sa akin. 'Yon lang?

Pinagdikit ko ang mga labi ko. "Sige," sabi ko sa mahinang tono. Hindi ko naman maiwanan ang mga titig niya. Hindi parin ako makaalis, humihigpit lamang ang hawak ko sa handle ng maliit na maleta. 

Tumango siyang muli at ngumuso. Ngumuso? Tumingin sa gilid bago bumalik sa akin. Lumaki ang mata ko habang nanatili sa nguso niya ang titig ko. Ano ba 'yan?! Nandito pa  si Bernadeth eh, kahit kailan talaga hindi 'to marunong mahiya. Isa pa hindi pa naman kami nagkabalikan. 

Hindi niya 'yon tinanggal, may ngiti pang nakalakip roon. Mabilis akong tumingkayad at binigyan siya ng patak na halik. Nanlaki ang mata niya roon, mukhang hindi niya inaasahan na gagawin ko. 

Mabilis akong kumapit sa braso ni Bernadeth at umalis na kami papuntang silid namin. 

"Madam, sorry..." Napabaling ako kay Bernadeth na pagpasok namin sa silid. Kinuha ko sa kaniya ang maliit na maletang siyang nagprisintang magbaba nalang dahil sa sugat ko.

"Hindi mo kasalanan 'yon. Palpak lang talaga ako at nakatulog na rin, ngayon lang kasi ako nakapagbakasyon. Payapa rin roon," paliwanag ko na may ngiti sa aking labi. Unti-unti ay namuo ang totoong ngiti sa labi nito, tumango siya. "Pumunta ulit tayo roon bukas, kailangan kong picturan 'yon," dagdag ko pa. 

"Sige, Madam! Ako ang magpipicture sa inyo, magaling ako roon." At bumalik na siya sa pagiging bibo at masigasig katulad ng kaniyang apelyido. 

"Aasahan ko 'yan, padala ka pala ng dinner. Nagugutom na ako," utos ko. Kinuha ko ang maliit na maleta at akmang idadala na 'yon sa kwarto ko ng may maalala ako. 

Paglingon ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Bernadeth na mukhang may gustong sabihin o tanungin. 

"Ano?" Kumunot ang noo ko. Lalong lumaki ang ngising-aso nito at mas lalong lumapit sa akin, sa aking tabi. 

"Madam!" Nasasabik na bulong nito. Napaatras akong bahagya mula sa mukha niya, hindi ko alam kung kakabahan ako o ano. "Kayo na pala talaga si sir? Nag-away ba kayo kaya ayaw ka niyang kasabay kahapon?" Matinding pang-uusisa niya. 

Siya lang naman pagsasabihan ko nito maliban kay Clara. Puwede niya rin siguro akong tulungan sa mga plano ko. "Nagdinner kana ba?" Pabalik na tanong ko.

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now