E P I S O D E 2 6 - B U T I

544 7 0
                                    

Chapter 26

AKALESHA

"Tomboyin? Ayos ka lang ba?" marahang tanong sa akin ni Alesia. Humarap ako sa kaniya, hindi ko narinig ang pagpasok niya sa kwarto ko. Humarap ako sa kaniya at pilit na ngumiti. Nakita ko naman ang pagkalito sa mata niya ngunit hindi ko na iyon pinuna pa at tinalikuran siya muli.

Nilapag ko ang bag ni Shana sa kama pati na ang paper bag na kinalalagyan ng cellphone. Pumasok ako sa banyo. Pagdaan ko sa salamin ay saka ko lang nakita kung gaano kapangit ang itsura ko. Sa lungkot ng itsura ko ay mukha na akong maiiyak. Pumikit ako nang mariin at bumuga nang hangin sa marahas na paraan.

"Tama na" bulong ko. Wala pang isang buwan simula nang magkakilala kami pagkatapos ay ganito na ang nararamdaman ko. Hindi ko naman ito naramdaman kay Hana o kahit sa mga ibang naging crush ko. Ganito ba talaga kapag sa lalaki? Iba eh.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Inaamin kong may gusto na ako sa kaniya, maaaring nararamdaman ko lang rin ito dahil sinabi niya sa aking gusto niya ako. Masyado kasi akong maraming naiisip nitong mga araw lalo na sa nalalapit kong pag-aaral kaya siguro ganito at siya ang taong parati kong nakakasama. Baka hindi naman talaga gusto ito, hindi naman siguro malalim.

Tumatango ako habang sinasabi iyon sa sarili ko. Hindi naman ito malaking problema.

Naligo ako at pinatuyo ang buhok ko pagkatapos. Lumabas akong nakatapis ng towel ang katawan ko at muntik ko na iyong makalas sa sobrang gulat ko sa dalawang lokaret. Pareho silang nakatingin sa akin, nakaupo sa kama. Ang mga gamit kanina na naroon ay nasa sahig na.

"Anong ginagawa niyo dito? Anong oras na? Matulog na nga kayo" nailing-iling ako at kumuha nang damit sa cabinet. Pagharap ko ay natigilan muli ako, hindi ko alam kung anong tingin ang binibigay nila sa kin. Halo-halo. "Ano?" kunot noong tanong ko.

"Magbihis ka muna pagkatapos ay may pag-uusapan tayo" ani Shana sa seryosong paraan nalalayo kay Alesia na may pagka-suplada ang tingin sa akin, nakahalukipkip pa ito.

Kumunot lalo ang noo ko ngunit sumunod nalang ako. Nagbihis ako sa banyo pagkatapos ay lumabas, hinarap sila. Tinapik ni Shana ang kama sa gitna nilang dalawa ni Alesia. Sumunod nalang ako dahil alam kong pahahabain nila ang kung ano mang pag-uusapan namin kung hindi ako sasang-ayon sa kanila. Nararamdaman ko na rin ang antok.

"May mga katanungan at mga sasabihin kami sa 'yo. Mas mabuti akong mauuna" panimula ni Alesia, mataray niyang tinaas ang kilay niya sa akin ng balingan ko siya. Nawiwrduhan ko siyang tiningnan, nilipat ko ang tingin ko kay Shana na ngayon ay seryoso lamang. Oh? Bakit hindi niya ginagawa 'tong si Alesia. "Bakit ngayon kalang?"

"Wala naglibot lang ako saglit, nag...pahangin lang sa labas" dahilan ko. Ayoko namang malaman nila na masyado akong late na umuwi dahil inantay ko pa si abno. Kung hindi nila ako tatawanan ay aasarin nila ako, panigurado.

"So, anong problema? Bakit may paglibot ka? Sinong kasama mo?" sunud-sunod ang pagtatanong niya. Antok na antok na talaga ako at kaunting-kaunti nalang ay hihikab na ako sa mukha niya.

"Walang problema tsaka bawal bang maglibot? Namiss ko lang naman gumala eh, tsaka wala akong kasama. Mag-isa lang ako" sagot ko naman, kaswal lang. Antok na talaga ako. Kaunti nalang talaga.

"Sigurado ka hindi mo kasama ang lalaking 'yon? Kapatid ng boss mo" paniniguro niya. Umiwas naman ako nang tingin, niligaw ko na lamang iyon kay Shana para hindi ako mahalata ngunit pagtingin sa kaniya seryoso lamang siyang nakatingin sa akin kaya wala akong nagawa at binalik ko kay Shana ang tingin ko.

"Hindi ko siya kasama" sagot ko na totoo naman. Gusto ko sanang ilipat sa kanila na kapag umuuwi sila nang ganitong oras ay hindi ko naman sila ginaganito ngunit nanahimik na lamang ako dahil baka dahilan pa iyon para maghinala sila sa akin at humaba pa lalo ang usapang ito.

PEARL OF A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon