E P I S O D E 3 0 - M A C Y

860 13 0
                                    

Chapter 30

AKALESHA's POV

Ginising na lamang ako ni Kreit pagdating namin roon. Nasa entrada na ang mga kasama namin at naghihintay sa aming pagdating. Busangot si Macy habang nakakunot noo lang ang katabi niyang si Clyde. Ang dalawang lokaret naman ay nakatutok lamang sa kanilang cellphone. Nakashades na si Shana habang si Alesia dala na ang camera na nakasabit kaniyang leeg.

"I guess our time was over" tamad na bulong naman ni abno sa likod ko. Kumunot ang noo ko at nilingon siya. Binigyan niya lamang ako sa isang pekeng ngiti, hindi itinatago ang pagkabagot.

"Nandito na sila sa wakas!" si Macy ang unang nakakita sa amin, nakita ko kung paano niya ako binigyan ng isang tingin bago sumalubong kay abno nang may malawak na ngiti. Hindi ko nalang ito pinansin at naglakad sa mga lokaret.

"Oh? Ang tagal niyo, ah? Nag-enjoy ka ba sa ride?" taas-kilay na tanong ni Shana na binulsa ang kaniyang cellphone.

"Nakatulog nga ako. Tara na" anyaya ko sa kanila. Nilingon ko si abno, nagsasalita sa kaniyang tabi si Macy ngunit siya'y abala sa paglibot ng tingin sa mga tao. Halos mabali ang leeg ng karamihan sa mga babaeng nakakakita sa kaniya, ang iba'y pinipicturan na siya. Nagtama ang tingin naman kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin. "Tara na" anyaya ko muli sa dalawa na may nang-aasar na ngiti.

"Baka ibang ride ang ginawa niyo ah?" bulong ni Alesia na inakbayan ako. Inirapan ko nalang siya. Nakasunod sa amin si Clyde, palingon-lingon rin kay Macy na na kay abno parin ang atensyon. Bakit ba hinahayaan lang nito?

"Clyde, lika dito!" napansin siguro ni Alesia ang paglingon ko. Ngumiti naman si Clyde at lumapit sa amin, mukhang nagkasundo sila sa maikling panahon. "Ba't ka ba nagpapaiwan? Mukha kang ligaw na bata eh, sama ka samin. Hayaan mo 'yong dalawa" tanong nito rito ng makalapit, nasa tabi ko siya ngayon. Akbay-akbay parin ako ni Alesia, sa gilid niya ay si Shana na nasa cellphone ang atensyon.

"Nahihiya kasi ako" marahang anito na kinamot pa ang kaniyang batok.

"Huwag kang mahiya! Baka hindi mo i-enjoy ang trip na 'to. Magsisi kalang" pangongonsensiya pa niya. Tumango-tango naman si Clyde na bakas parin ang hiya ssa ngiti niya. "Huwag kang mag-aalala, hindi ka namin kakainin tsaka nandito si Aki oh" pampalubag loob pa nito. Unti-unti namang nawawala ang hiya nitong si Clyde.

Nginitian ko siya at tinapik sa balikat ngunit hindi pa ako nakakadalawang takip ay may kumuha na sa kamay ko at ibinaba iyon. Inakbayan niya si Clyde at ngumisi sa akin, binaba niya ang kaniyang shades at kinindatan ako. Parang biglang tumutok sa akin ang tirik na tirik na araw, lalo na sa mukha ko.

"Let's go!" anyaya niya. Umiwas na lamang ako nang tingin at bumaling kina Alesia at Shana na may mga nakangisi ngayon. Nakita ang ginawa ni abno. Nakakahiya 'yon ah!

Bumili kami nang ticket pagkatapos ay pumila pa nang kay tagal bago kami nakapasok. Ang unang ride na sinakyan namin ay ang disco magic, mahabang pila ulit bago kami nakasakay. Nauna kami ni abno at naiwan ang apat dahil bilang lamang ang dapat sumakay, saktong hanggang sa akin pinutol ang pila.

Nilagay namin ang gamit namin sa cabinet sa gilid, nilagay ni abno ang cellphone at shades sa puwesto nang akin. Nauna siyang umakyat at inalalayan pa ang pag-akyat ko. Narinig ko ang singhapan at animo'y kilig ng mga babae na kasabay namin.

"Ano'yon?" mariing bulong ko sa kaniya. Binalewala niya iyon at ang paghawak niya sa aking kamay ay hindi na niya binitawan pa. Hindi ko alam kung naging maginoo lang ba talaga siya kanina o ginawa niya 'yong paraan para mahawakan ang kamay at hindi na iyon pa binitawan. Puwede ko naman iyong bitawan ngunit masarap iyon sa pakiramdam kaya hindi ako umalma pa.

PEARL OF A TOMBOYNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ