E P I S O D E 4 - A R A L

1.4K 35 15
                                    

Chapter 4

AKALESHA's POV

"Tita Raine naman! Gusto niyo bang mamulubi ang gwapong tulad ko?" pangongonsensya ko kay tita Raine. May inaayusan siya ngayong bakla habang ako naman nakikiusap sa kaniya na ipasok niya ako dito. Naroon sa tabi sina Alesia at Shana na nilalamon ang meryenda. Pinuntahan namin siya matapos nang napag-usapan namin kanina.

"Hindi! At huwag mo kong idaan sa mga walang kuwenta mong pangongonsensya at hindi na gumagana sa akin 'yan! Buti nga sayo at binigyan ka ng leksyon ng Daddy mo! Bente uno kana, hindi kana bata! Kaya tama lang ang ginawa ng Daddy pero hindi ka dito magtatrabaho. Maghugas nga ng pinggan palpak ka pagkatapos ay hindi ka pa marunong magwalis? Magtanda ka!" masungit na dada niya na ikinasimangot ko. Napabuntong hininga akong umupo sa bakanteng upuan sa tabi.

"Buntis ako" nakadekwatrong sabi ko sa kaniya. Wala naman akong magagawa kung hindi konsensyahin siya ng todo. "Jusko!" sa sobrang gulat niya ay lumampas ang lipstick ng baklang inaayusan niya. May malaking check na ito ngayon sa mukha. Nalaglag ang lipstick at maarte siyang napahawak sa magkabilang sentido niya.

"Anong sinabi mong tomboy ka?! Akala ko ba..." tinuro niya ko habang nakatingin kina Shana at Alesia na mukhang natigilan sa sinabi ko. Kailangan na kailangan ko na talaga ng trabaho dahil hindi ako sigurado kung mabubuntis ba ako o hindi kahit na ayaw ko talaga at hindi puwede. Pinalayas ako ni Daddy para magsimula ako, hindi ko maimagine ang sarili kong malaki ang tiyan na nagmamakaawa sa harap ni Daddy na tanggapin niya ako ulit para sa anak ko.

"Akala ko ba tibo ka? Huwag mong sabihing nagbalik-loob kana dahil sa mga pokpok mong kaibigan?" naghihisteriya na ang tita kong bakla na naibaling galit kina Shana at Alesia, na mas nagulat sa sinabi ni tita Raine sa kanila. Sabay pa silang napahawak sa dibdib na parang tamang-tama sila sa sinabi ni tita Raine.

"Grabe naman sa pokpok, tita Raine!" OA na reaksyon ni Shana na hawak parin ang dibdib.

"Oo nga, hindi kamin pokpok. Slight lang pero na hindi kami pokpok!" pagmamalaki naman ni Alesia na inamin rin na isa siyang pokpok.

"Tingnan mo! Tingnan mo! Iyan ba ang natutunan sa mga babaeng 'yan?! Pinalayas kana nga, wala ka pang trabaho at buntis ka pa. Pasalamat ka't may condo ka at kotse ka pa! Hindi ko alam na lalala ka ng ganito, Aki!" stress na si tita Raine. Prente lang akong nakadekwatro at medyo ginagalaw pa ang paa ko, nililibang sarili.

"At nasaan ang lalaking bumuntis sayo? Wala, iniwan ka dahil isa kang tomboyin? Hindi ka ba nag-iisip, ikaw lang kaisa-isang anak ni Alexander! Kung magiging tomboy ka, ayusin mo naman ang ugali mo! Isa ka talagang sakit sa ulo, mabuti pa't ikuwento mo ang nangyari ng malaman ko!" hinila niya ang monoblock sa gilid at umupo sa harap ko sa pinakamaarteng paraan at pinagkrus ang kaniyang braso. Ang daming sinabi, ipapakuwento lang pala sa akin iyong nangyari.

"Medyo harsh iyong sinabi niya pero tama" rinig kong bulong ni Shana nang akmang magkukuwento na ako. Sinamaan ko lang siya at sinimulan ko nang magkuwento.

"Isa kang malanding tomboy! Umamin ka nga sa akin tibo ka ba talaga?" react kaagad ni tita Raine matapos kong magkuwento. Ang sarap sigurong baliin ng buto ng baklang 'to.

"Lasing nga ako, tita. Lasing! Nadala lang ng alak!" dahilan ko na totoo naman talaga. Kung nasa wisyo ako ay hindi ako mamomroblema ng ganito. Patong-patong na tuloy problema ko, pasalamat nalang ako na mayroon akong condo at kotse pati cellphone na rin.

"Eh ano ngayon kung lasing ka? Baka naman nagustuhan mo rin dahil gwapo?! Kung maganda at mayaman 'yang Hana na 'yan paniguradong gwapo at mayaman din ang pinsan niya. Doon ka magmakaawa at humingi ng pera! Tomboy tomboy ka pa diyan, ayan baka buntis ka pa!" maarte siyang napasapo sa kaniya noo, mukhang namomroblema na rin sa akin. Kinamot ko ang noo ko habang nakatingin sa kaniya na mukhang hirap na hirap na. Ang dalawang lokaret ay tahimik rin pero kumakain parin.

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now