E P I S O D E 6 - S U N S H I N E ' s

1.3K 28 11
                                    

Chapter 6

AKALESHA's POV

Naiinis na napatingin sa pinto nang may sumipa roon. Akmang pupunta na ako para pagsabihan siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka mapatay ko siya't hindi ko matiis na hindi siya saktan.

Buong araw ay wala akong ibang ginawa kundi kumain at humiga. Iniisip kung ano bang balak ko sa buhay. Masyado nga naman akong naging dependent kay Dad. Hindi ko man lang siya inisip, naging makasarili ako. Ilang taon ang sinayang ko para lang matauhan ngayon.

Gustong-gusto kong bumalik sa bahay para sabihin kay Dad na mag-aaral na ako pero gusto ko munang ipakita sa kaniya na unti-unti na akong nagiging independent. May halos dalawang buwan pa naman bago ang pasukan.

Kailangan ko munang humanap ng trabaho at magpapaturo ako sa dalawang lokaret dahil business naman na din ang kinuha nila.

Kinabukasan ay maaga akong gumising at inayos ang sarili ko. Mag-aapply ako ng trabaho. Malapit lang naman, diyan lang Sunshine's. Binalita kasi sakin ni Shana na naghahanap raw sila ng waitress/waiter kaya naman pinahanda niya ako pati na rin ang mga requirements.

Nagpapasalamat ako na kaibigan ko siya.

"Ano? Ayos na sayo 'yan?" tanong sa akin ni Alesia, sinamahan pa ako. Hindi naman ako bata.

"Ayos na ayos, nuh! Anong masama sa trabaho ko bilang waiter?" tanong ko habang naglalakad. Walking distance lang naman mula sa condominium ang Sunshine's Restaurant. Baka hindi pa ako matanggap dahil may pag kotse pa ako.

"Wow, hindi maarte!" dinanggil niya pa balikat ko. Weirdo ko lang siyang tiningnan at pinunasan ang balikat ko na dinanggil niya.

"Hindi maarte ang mga lalaki!" mayabang na saad ko. Napatakip naman sa bibig habang tumatawa ng malakas. Medyo lumayo ako sa kaniya baka sabihin nila naglabas ako nang pasyente sa mental.

"Natatawa ako kasi hindi bagay sayo! Lalaki? Ikaw?" humawak pa siya sa tiyan halos matumba na sa kinatatayuan kakatawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Ang OA talaga ng hayop na 'to.

"Hoy, tanga! Tumigil kana. Nag-aadik kana naman!" inis na singhal ko sa kaniya. Tumigil kami dahil hindi siya mapirmi kakatawa. Hindi parin siya natigil kaya naman nauna nalang ako. Nakakahiya ang isang 'to.

"Okay! Okay! Simula nang malaman kong napop na ang cherry mo, hindi na kita napipicture bilang isang tomboy. Alam mo?" pigil niya sa sariling tumawa, habang humahabol. Lumingon ako sa kaniya at binigyan ko naman siya ng matalim na tingin. "Joke! Tara na, lapit na natin eh!" inakbayan niya ako ng maabutan niya ako.

"Bahala ka, isipin mo ang gusto mong isipin! Basta ito na ang simula ng pagbabago ko" binigyan ko siya nang nagmamalaking tingin. Ngumisi lang siya na parang tanga at naglakad na papasok sa Sunshine's.

Sosyalin ang restaurant na ito at dinudumog siya lalo na ang mga mayayaman kaya malamang sa malamang ay kahit isang serbidor ay malaki na ang sweldo, magkano kaya? Excited na akong sumweldo.

"Good morning, Ma'am! Hindi pa po-"

"Mag-aapply siya" pinutol ni Alesia ang gwardiya at tinuro ako. Wala talagang tatalo sa kakapalan ng mukha ng isang 'to kahit kailan. Ano kayang ituturo niya sa magiging anak niya, someday?

"Ah, dumiretso po kayo sa 2nd floor Ma'am" napapahiyang sagot naman ng gwardiya, binubuksan ang bonggang double door. Supladang nagpasalamat si Alesia, ako naman humihingi ng tawad na ngumiti bago kami pumasok. Dapat talaga hindi ko sinama itong si Alesia, hindi ko alam kung saan niya napupulot mga ugali niyang 'yan. Pabigat lang, men!

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now