E P I S O D E 3 5 - Y O U

219 8 0
                                    

Chapter 35

AKALESHA's POV

"Why aren't you answering my calls?" nag-aalalang tanong nito. Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya, pilit na hinuhuli ang pagpapanggap. Pero wala akong makita ni bahid noon. Napakagaling naman pala nitong umarte.

"Nalowbat ako eh, tara na! Baka malate na ako" nauna na akong maglakad sa kaniya paalis. Marahil siguro ay dito niya na aaminin ang mga ginawa niya. Marahil ito na rin ang huli at pinagbibigyan niya nalang ako. Kawawa naman ako. Sarkastiko akong natawa sa iniisip ko.

Walang ingay na namutawi sa amin hanggang sa pagdating sa unibersidad. Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya at agad na akong bumaba sa kaniyang kotse. Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang sarili na maluha.

Kamuntikan na akong malate sa unang subject dahil sa kupad kong maglakad at nagdadrama pa ako.

"Okay kalang?" marahang tanong sa akin ng katabi ko. Nasa pangatlong subject na ako, katabi ko 'yong lalaking mukhang binubully no'ng mga nakaraan. "Ako nga pala si Ryan"

"Akalesha, Aki nalang" pagkausap ko sa kaniya. Simple lang kaming nagngitian hanggang sa matapos ang klase. Sabay na kaming naglunch dahil baka i-bully na naman siya. Kawawa naman. Kawawa kami.

"Bakit ang bagal mong kumilos?" tanong ko habang kumakain kami. Dinaldalan ko siya buong magdamag dahil baka umiyak lang ako sa harap niya kung mananahimik ako. Iniiwasan ko siyang maisip lalo na't masyado niya akong nakumbinsi sa mga pag-arte niya. Magkasama kaya silang dalawa ngayon?

"Ganoon na talaga ako simula bata, ikaw bakit parang lalaki ka magsalita?" wala ring kasing kupad kung magsalita. Naalala ko talaga si Clyde sa kaniya. Napangiti ako nang wala sa oras, marunong rin pala siyang makipagbiruan pero nang hindi siya natawa o ngumiti man lang ay natahimik ako. Seryoso pala.

"Ano sa tingin mo?" taas-kilay na tanong ko. Sumubo muna ako bago umangat ng tingin, hinihintay siyang sumagot habang ngumunguya.

"Tomboy ka ba?" nilapit niya pa ang mukha niya nang ibulong niya iyon. Tumango ako sa kaniya, mabagal siyang umatras at dahan-dahan rin ang gulat na dumaan sa mukha niya.

Panandalian kong nakalimutan ang sakit na dala-dala nang puso ko dahil kay Ryan. Inosente siya at mabagal kung kumilos. Bata pa nga.

Niligpit ko ang mga gamit pagkatapos ng huling subject. Kinuha ko ang pang-ipit sa bag at inipitan ang sarili ko nang isahan. Pagtayo ko ay natigilan ako. Mabilis kong tinanggal iyon ng mapagtantong pagmamay-ari niya ang ipit na 'yon. Padabog kong nilagay iyon sa bag bago lumabas.

"Hi" nakangiting harang sa akin ng isang lalaki pagbaba ko mula sa room namin. Kumunot ang noo ko sa kaniya. Siya nga, siya 'yong nakita ko sa mall no'ng namili kami ni Kreit ng mga gamit. Napayuko ako dahil siya na naman ang naisip ko.

"Hi" bati ko nalang at nilagpasan siya. Nagmamadali akong naglakad palabas ng unibersidad. Ayoko na ring hintayin sina Alesia at Shana, pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Gusto ko nang umiyak ng umiyak hanggang sa magsawa na ang mata ko.

"Hey" rinig kong tawag ng nasa likod ko. Hindi ko alam na sinundan niya pala ako. Hindi ko na siya nilingon. "You haven't introduced yourself"

"Pasensya na nagmamadali ako" binilisan ko lalo ang lakad ko. Nanlalabo na rin ang mata ko. Mabilis kong pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi.

"Can I atleast get your numb-Holy shit! Bakit ka umiiyak?" habol pa rin niya. "Hindi kita pinaiyak ah" sabi pa nito na akala mo naman ay inakusahan ko siya.

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now