E P I S O D E 4 5 - C E O

199 5 0
                                    

Chapter 45

Kapag mahal mo ang isang tao, ang kasiyahan niya ay kasiyahan mo rin. Kahit pa ang sayang iyon ay ang pagpapalaya sa kaniya. Panonoorin siyang maging masaya sa iba.

Masyadong masakit ang tinamo ng pag-ibig ko kay Kreit at kahit kailan ay hindi ko pinagsisihan na minahal ko siya. O dahil mahal ko parin siya?

Magkakaakbay kami nina Ryan, Ivan, Clarence, Troy at ni Anne suot ang mga toga namin. Sa unang letrato ay nahihirapan ako sa pag-akbay dahil sa liit ko kaya naman nagpasya silang buhatin nalang.

Ang bilis ng panahon. Graduate na ako, tumingala ako sa langit at ipinakita roon ang diploma ko.

"GRADUATE NA KO DADDY!" Sigaw ko. Naghiyawan ang mga kasama ko at nakigaya rin sa akin.

"Congratulations, Aki!" Niyakap ako ni tita Trina.

"You made it!" Si tito Jonash na nakipagpfist bump muna sa akin bago niya ako niyakap.

Sumunod sina Shana at Andson, hanggang ngayon ay hindi pa sila kasal. Hinihintay talaga ang paggraduate ko.

Dumating din ang mag-asawa, nauna pang ikinasal kina Shana. Buhat-buhat ni Kris ang kanilang anak na babae. Kamukhang-kamukha ni Kris, syempre anak talaga.

"Naks! Kakagraduate mo lang pero CEO na, Akalesha lang malakas!" Salubong naman ni Alesia.

"Sure, she is," sarkastikong singit ni Andson. Nagtawanan na lamang kami dahil kinukuwento niya lahat ng piang-awayan namin na muntik ng maging dahilan ng paghihiwalay nila ni Shana.

"Alangan maraming pinagdadaanan si Aki! Kaya siya talaga kakampihan ko. Bigla-bigla pa namang umiiyak,"paliwanag naman ni Shana. Makahulugan niya pa akong tiningnan pagkatapos ng huling pangungusap niya.

"Ang sakit naman," pang-aasar ni Alesia dahil alam niya kung ano ang nangyari.

"Baby!" Sinalubong kaagad ako ng yakap ni Ivan ng makita niya ako. "My date sucks, you are so much better!" Kuwento niya pagkakalas ng yakap.

"Talaga?" Pinilit kong maging interesado ngunit masyadong okupado ang isip ko tungkol sa napag-usapan namin ni Dorothy.

Ikakasal sila? Bakit 'yong singsing pa na 'yon? Bakit ganoon kabilis? Baka totoo nga sinabi ni tita Trina na laro lang iyon para sa kaniya at si Dorothy parin talaga ang mahal niya. Kahit pa naman na maayos na kami ay wala siyang binawi sa mga nasabi niya, humingi siya ng tawad ngunit hindi ibig sabihin noon ay hindi na totoo ang mga sinabi niya.

Kinikirot ang puso ko habang iniisip ang mga nangyari sa amin. Ibig bang sabihin no'n wala lang iyon sa kaniya? Na habang magkasama kami ay si Dorothy ang nasa isip niya?

"Hey? Are you alright?" Nilingon pa ni Ivan si Anne na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"What happened? Is something wrong?" Lumapit sa akin si Anne at hinawakan ang braso ko. "Akalesha, what happened?" Tanong niya muli.

Pumikit ako ng mariin upang pigilan ang luha ko. "Puwede bang mauna na ako? I feel sick," dahilan ko.

Hindi nawala ang pag-aalala sa mga mata nila. Nagkatinginan silang dalawa.

"I'll drive you home, okay?" Si Ivan na kinuha ang susi sa bulsa niya.

Umiling ako. "Hindi na, dala ko 'yong kotse ko."

"But you're sick, ang init mo." Hinawakan pa ni Anne ang kamay ko. "Kunin mo na ang car mo, Ivan. We'll wait for you here," utos nito.

PEARL OF A TOMBOYΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα