E P I S O D E 4 2 - M A L A Y

165 3 0
                                    

Chapter 42

"Umalis kana!" Rinig kong sigaw ni Alesia sa labas. Narinig ko ang malakas na pag-sara nang pintuan.

Lumingon ako dahil roon. Iniwan ko ang ginagawa ko at lumabas ng kuwarto. Bumungad sa akin ang umiiyak na si Alesia, punong-puno nang galit. Nakaluhod naman at nagmamakaawa si Kris, umiiyak rin ito kagaya nang kaibigan ko.

Narinig kong bumukas rin ang pinto sa kwarto ni Shana. Mukhang naalerto rin sa narinig.

"I'm begging you, Sia. Sakin nalang, aakuin ko ang bata,"pakiusap muli nito. Iniwas ni Alesia ang kamay niya ng balak itong kunin ni Kris.

Gulat kaming nagkatinginan ni Shana sa nangyari. Mas lalo akong natakot sa sitwasyon nila. Lalo akong nakaramdam ng kaba.

Dinaluhan ko ang kaibigan ko. Nanlaki ang mata niya nang makita kami ni Shana.

"Umalis kana! Nakikiusap rin ako," ani Alesia sa medyo kalmadong paraan.

Umiling si Kris at pilit na nagsusumamo. Naaawa ako sa kaniya pero hindi magandang mag-usap sila ngayon.

Tiningnan ko si Shana na napatingin rin sa akin. Tumingin ako kay Kris pabalik sa kaniya. Sinesenyasan na paalisin na.

Mukha namang naintindihan nito dahil dinaluhan niya si Kris at tinulungan pa itong tumayo. Bahagyang umalma si Kris at lumayo kay Shana.

Tumayo ito, hindi nawawala ang nakakaawang itsura. Namumula na ang mata niya.

"Ipapalaglag ko 'tong bata kapag hindi ka umalis!" Banta ni Alesia.

Pare-pareho kami nina Shana at Kris na nanlaki ang mata. Lalo kong sinenyasan si Shana na paalisin na ito. Ngunit pinigilan na ito ni Kris bago pa makalapit.

"Aakuin ko, huwag mo lang akong iwan." Humakbang ito palapit. Kumabog ang dibdib ko at naalala si Kreit. "Mahal kita, Sia. Mahal na mahal kita, please!" Lumuhod muli ito.

"Hindi kita mahal!" Napatingin ako kay Alesia na muling nagsibagsakan ang mga luha niya.

Mahal mo parin. Sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa kaniya.

"Hindi ako naniniwala sayo. I'm begging you, Sia. Aakuin ako, I will make him mine," pakiusap parin nito. Hindi napapagod na magmakaawa.

"Aalis ka o ipapalaglag ko ang bata?" Hamon muli ni Alesia.

"Alesia, huwag naman ganiyan oh," marahang saway ni Shana.

Umiling si Alesia. "Sige!" Sarkastikong ani nito. "Sumama ka sakin, ipalaglag natin 'tong bata ngayon!"

Pinigilan ko ang pag-alis siya. Nagmamadaling tumayo naman si Kris at marahang umalis. Sinulyapan niya muli si Alesia bago niya tuluyang sinara ang pintuan.

Pareho kami ni Shana na nangangapang nagkatinginan. Lumapit na siya sa amin, sa puntong iyon ay humagulgol si Alesia. Unang beses para sa isang matibay at matapang na taong katulad niya.

Naalerto kami sa marahan pagbagsak niya, na para bang nanghihina na siya. Mabuti nalang ay hawak-hawak namin siya.

"Hindi ko na kaya. Mahal na mahal ko siya pero ang hirap ng ganito," bigong-bigo ang boses niya.

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now