E P I S O D E 9 - W O R S T

1K 25 17
                                    

Chapter 9

AKALESHA's POV

Nagstretch ako nang maramdaman ko ang pangangalay ng kamay at likod ko. Tama nga ang sinabi nila na maraming customer tuwing weekend lalo na dito sa VIP. Alas-singko palang ng gabi ay nananakit na ang katawan ko. Mabuti nalang at wala akong palpak ngayon, muntikan meron pero masasabi kong nasasanay na ako. Excited na talaga kasi akong sumweldo.

"Pagod kana ba, Aki? Gusto mo ako nalang ang sumalo sayo?" hawak ko ang balikat ko nang mapatingin ako kay Clyde, inosente siyang nakatingin sa akin habang nakaupo sa upuan rito sa locker room. Nakiki-Aki na rin siya, okay lang naman. Tropa na kami.

Mabuting tao talaga si Clyde at masayahin rin. "Ayos lang, nangawit lang. Masyado ka namang mabait" sagot ko habang iniikot-ikot ko pa ang ulo ko, bahagya akong ngumiti sa kaniya.

"Hindi naman baka kasi nahihirapan kana" ngumiti na rin ito sa akin habang pinapanood akong magstretch.

"The best ka ah!" nagthumbs ako sa kaniya. Tumawa lang siya kaya naman tumawa na rin ako. Napakabuting tao naman nito, nagtatrabaho siya rito sa Maynila para mapagamot niya ang tatay niyang may sakit na nasa probinsiya.

"Mayaman kasi, hindi sanay sa mga ganitong trabaho" walang kupas ang pagpaparinig ni Macy, hindi ko alam kung anong problema niya sa akin. Sabay kaming napatingin sa kaniya ni Clyde, nakakrus ang braso niya sa ibaba nang dibdib niya at mataray ang tingin sa akin.

"Meron bang mayaman na nagtatrabaho bilang waitress?" taas-kilay na tanong ko sa kaniya. Nag-i-stretch parin ako, hindi pinapansin ang pagtataray niya.

"Hindi ba kaya nga natanggap ka kaagad rito dahil mayaman ka? O baka naman nakatanggap kana nang ibang sahod galing sa boss natin kaya madaling manakit ang katawan mo?" patuloy niya, walang papantay sa pagkasuklam sa kaniyang mata. Kumunot lang ang noo ko sa kaniya. Hindi makuha ang punto niya. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.

"Huwag mong sabihin 'yan, Macy. Hindi ganoong klase ng tao si Aki nuh!" pagtatanggol naman sa akin ni Clyde na tumayo na upang makausap ng maayos ang babaeng ubod ng taray na hindi ko alam kung anong pinaglalaban.

"Pinagtatanggol mo pa 'yan, Clyde? Bakit? Dahil pati ikaw nakikitikim na? Kaya naman pala laging hinahatid" tumawa pa ito nang sarkastiko na parang hindi makapaniwala sa nangyayari at doon ko nakuha ang ibig niyang sabihin. At hindi ko talaga alam kung saan niya pinaghuhugutan ang mga salitang binibitawan niya.

"Oh saglit lang, hindi naman ata tama 'yang mga sinasabi mo" kalmang saad ko sa kaniya. Tinigil ko ang pag-i-stretch ko at bahagyang lumapit sa kaniya. Sarkastiko ulit siyang tumawa pagkatapos ay pumapalakpak ngunit sumeryoso siya bigla at marahang lumapit sa akin. Anong nasinghot nito? Lalong kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Kagabi ko lang hinatid si Aki, Macy. Hindi palagi pero kung gusto niya ay ihahatid ko siya palagi" paliwanag naman ni Clyde. Masyadong inosente ito sa ganitong away na akala ay nakatulong ang sinabi niyang iyon. Bumuntong hininga nalang ako.

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now