E P I S O D E 1 7 - F O R G I V E N

702 16 15
                                    

Chapter 17

AKALESHA's POV

"Hindi talaga siya nagrereply sa mga text ko eh, nagpakilala naman ako na kaibigan mo ko. Na binigay mo sa akin ang number niya. Baka puwede mong tanungin si sir Kris kung bakit wala ang kapatid niya? O kung puwedeng papuntahin siya rito, magkaibigan naman kayo diba?" pilit parin ni Macy matapos ang dalawang linggong pagkawala ng abno. Siya lang ang namomroblema sa pagkawala noon. Ako? Excited na ako! Malapit na akong sumweldo at mamamasyal na rin sa Laguna.

"Hindi ko alam. Bakit hindi ikaw ang magtanong? O kaya tawagin mo? O kaya naman puntahan mo sa kompaniya, may address sa binigay ko sayong calling card" tuloy na tuloy na sagot ko. Bakit hindi ba kasi pumunta dito ang abno na iyon? Ako ang nahihirapan sa kaniya eh.

"Nakakahiya naman kasi, baka isipin niya na nababaliw na ako sa kaniya na pupuntahan ko pa siya. Ayoko namang magmukhang desperada, gusto ko lang naman siya. Sa tingin mo may pag-asa bang magustuhan niya ako? Kahit na mahirap lang ako, maganda naman ako hindi ba?" hindi ko naman alam kung anong isasagot ko dahil nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang iniisip niya. Ganito ang epekto niya sa lalaking iyon na dalawang beses niya lang nakita. Ang gwapo naman kasi, ako kaya? May tao kayang ganoon sa akin? Iyong sobrang gwapo na masulyapan lang ako mababaliw na nang ganito katulad ni Macy?

"May pag-asa" tumatango-tango pa akong sumagot, kinukumbinsi siya at binibigyan ng tiwala sa kaniyang sarili. Maganda si Macy, iyong ganda na may pagkamasungit o mataray. Natigil lang kami sa pag-uusap ng pumasok na si Clyde, hindi ko alam kung bakit lagi niyang pinuputol ang usapan namin tungkol kay abno kapag narito na si Clyde. O nagkataon lang? Nito kasing mga nakaraan napapansin kong tumatahimik na si Clyde tuwing magkakasama kaming tatlo. Silang dalawa.

"Pinapatawag lahat sa baba" malamig ang tinig na iyon ni Clyde.Tinapunan niya nang tingin si Macy bago tumalikod at lumabas ng locker room. Si Macy naman ay yumuko ngunit agad na rin namang sumunod.

Lalabas na sana ako ngunit tumunog ang cellphone ko. Hindi naka-register ang number ngunit pamilyar iyon sa akin. Sinagot iyon. "Hello?" tugon ko. Sumandal ako sa locker at tumingin-tingin sa pinto, hinihintay na sumagot ang tumawag. "Sino 'to? Hello?" ulit ko.

Narinig kong bumuntong hininga ito. Napatingin ulit ako sa numero, pamilyar eh. Saan ko nga ba nakita 'to? Baka naman si Alesia na naman ito. Baka niloloko na naman ako lokaret. "Hoy! Hello?" binaba ko ito at lumabas na nang locker room. Pagbaba ko ay naroon na silang lahat at nagsasalita na si sir Kris. Mabuti nalang at hindi ako nakaagaw ng pansin dahil ang mga malalaking empleyado ay natakluban ako.

"Sa lahat ng mga hindi nabanggit, enjoy your three days. Nasa sa inyo na kung magpapahinga kayo o mamamasyal kasama ang family o kung ano pa. Iyon lamang" umexit na kaagad si sir Kris at nagsi-alisan na ang mga empleyado. Kaniya-kaniyang komento pa sila matapos mawala ng boss.

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now