E P I S O D E 5 2 - N O T I C E

218 6 0
                                    

Chapter 52

"Aki!" Napatid ang titigan namin ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Tinanggal ko ang kamay ni Ivan na nakaakbay sa akin at nagtatatakbong sinalubong si tita Raine ng yakap na kakapasok pa lamang ay ako na kaagad ang tinawag niya.

"Namiss kita, Aki!" Emosyonal na sabi nito at mas hinigpitan ang yakap ko. Pinahaba niya na ang buhok niya na nakapusod, bahagya siyang tumaba at nakapanlalaking gayak siya ngunit madali mong masasabi na bading siya dahil sa kaniyang bigating mga hikaw. Hindi katulad nina Walen at Jhun, mga bakla ngunit ang pormahan nila ay panlalaki ngunit galawang babae.

"Miss na miss rin kita, tita Raine!" Tumawa siya at isinayaw-sayaw ako habang yakap ako. Ng kumalas siya sa yakap ay sinapo niya ang magkabilang pisngi ko at kinurot ang mga ito.

"Ang ganda mo na lalo! Babaeng babae kana talaga, finally!" Nakangiti man kami ay nararamdaman kong pareho kaming emosyonal. Last year kasi ay lumipad siya papuntang Guam dahil doon siya dinala ng boyfriend niya. Iniwan niya kay ate Doray ang parlor.

Humiwalay kaming muli sa yakap. Sinilip ko ang likod niya kung kasama niya ba ang boyfriend niya. Hindi nga ako nagkakamali dahil sumunod ang isang matangkad na lalaking kayumanggi, maskulado ang katawan at matangkad. Mukha siyang pilipino.

"Ay! Dinala ang fafa!" At nagreact na ang mga bakla na nagsitayuan para salubungin ang kanilang mamita. Nilingon ni tita Raine ang boyfriend niyang si Arthur.

"Come here, beb!" Tawag niya rito.

Nagsihiyawan sila sa tawagan nilang iyon, tinutukso si tita Raine na wala namang pakialam. Naglakad papalapit ang kaniyng boyfriend. Kilala naman namin si Arthur ngunit hindi naman kami close. Hindi rin naman siya madaldal at madalang lang magsalita.

"Do you remember them? This is Aki, my daughter," tanong niya kay Arthur at tinuro ako. Nakayakap siya sa braso nito. Tumango lamang si Arthur at ngumiti sa akin.

"Hi, everyone," nakangiting bati niya na tiningnan kaming lahat at bumalik ang tingin kay tita Raine. Mukhang hindi na alam ang sasabihin.

"Ay shy parin siya," rinig kong komento naman ni Walen.

Ngumiti lamang si Arthur sa kaniya ngunit ibinalik kaagad ang tingin kay tita Raine.

"Wow, inlove!" Pang-aasar naman ni Alesia sa likod na buhat-buhat ang anak. Tumatawa lamang si Yumi dahil tumatawa ang nanay niya.

"Umupo na nga kayo, tita! Kumain na kayo!" Sigaw ni Shana na nag-iihaw parin hanggang ngayon.

"Let's go na, beb!" Malanding wika naman ni tita Raine na nakapagpaingay na naman sa kanila. Bago sila naupo ay pinakilala muna si Arthur sa lahat.

Lahat sila ay nakaupo na, ang iba'y kumakain, ang iba naman nag-uusap at nangunguna sa pagkanta sina Jhun at Walen. Tinutukso isa-isa ang mga nakaupo.

"Do you still want me to tour you around?" Bulong ng katabi kong si Ivan. Kunot noo naman akong bumaling sa kaniya.

"Bakit?" Bulong ko pabalik dahil sa tono niya ay mukhang ayaw na niya. Tapos naman din siyang kumakain at umupo kami rito para magtipon-tipon. Isa pa, gusto ko ulit kumain.

"Your ex is probably thinking of murdering me or something," exagge na natatakot na bulong naman nito. "Spare me, gusto ko pang makapag-asawa at magkaanak," bulong niya pa.

PEARL OF A TOMBOYWo Geschichten leben. Entdecke jetzt