E P I S O D E 1 6 - B A B A E

754 13 18
                                    

Chapter 16

AKALESHA's POV

Kinakabahan man ay maayos kong kinuha ang mga order nila. Pagdating ko sa counter ay nilapag ko ang oder ng mga kasama ni Daddy pati na rin ang kaniya. Pinuntahan ko si Macy, hindi ko kasi mahagilap si Clyde kaya siya na lang makakatulong sa akin.

"Ah Macy, puwedeng ikaw nalang magserve sa table 9?" tanong ko, patingin-tingin sa table nila Daddy. Nagtatakhang napatingin naman siya roon bago bumaling ulit sa akin at binigyan ako nang ngiti at tango.

"Sige, salamat ah?" bahagya pa akong nahiya. Tinapik niya ako sa balikat bago niya kinuha ang iseserve na pagkain. Mabuti nalang at hindi siya nagtanong. Sa ibang customer ko ibinaling ang pansin ko, iniiwasan ko talaga sa table nila Daddy.

Ayoko naman kasi siyang mapahiya na ganto lang ang anak niya. Kahit naman na marangal ang trabahong 'to, sa tingin ko mapapahiya ko siya. Ako, hindi ako nahihiya pero para sa kaniya mahihiya na ako. Isang businessman ang Daddy pagkatapos ako ganito pa. Baka iniisip niya rin na wala na talaga akong balak mag-aral.

Lumipas ang oras at lunch, sa lockroom kami kumain ng dalawa.

"Totoo pala talaga iyong tatlong araw na magsasara iyong restaurant, Aki. Narinig ko kasi sa baba, sa susunod na buwan raw iyon" si Macy na nililigpit na ang kaniyang pinagkainan. Natuwa roon si Clyde na napapalakpak pa kaya naman napilitan akong ngumiti. Hindi parin matanggal sa isipan ko si Dad.

"Tuloy parin ba ang pamamasyal natin sa Laguna?" tanong ni Clyde na nililigpit na rin ang pinagkainan. Kahit hindi pa ako tapos ay niligpit ko na ang pinagkainan ko, hindi rin naman ako masyadong gutom. Napatango nalang ako.

Sagot na rin ng Sunshine's ang pagkain namin, ganito kami kaswerte rito sa VIP. Hindi katulad sa normal lang sa first floor na lalabas pa ang iba tuwing lunch. Sinadya ng Sunshine's na may cut-off ang oras na bukas ito tuwing lunch para makapagpahinga kaming mga empleyado.

"Tuloy na tuloy!" gamit sa masayang tinig ni Macy na mukhang tatalon na sa tuwa. Pinasama ko na kay Clyde ang pinagkainan ko para dalhin na sa baba. Ganoon rin ang ginawa ni Macy kaya kaming dalawa nalang ang natira rito. "Okay ka lang ba? O baka meron ka?" natawa pa siya sa huli niyang tanong.

Bahagya lang akong nangisi. "Wala lang 'to" tanging sagot ko habang nakatingin parin sa malayo. May nakakilala kaya sa akin sa mga kasama ni Dad? Dapat pala tiningnan ko muna mula sa malayo kung isa siya sa mga iyon, kung kailan nakalapit na ako eh. Baka napahiya pa iyon tapos hindi na ako pabalikin.

"Ah, Aki" napalingon ako kay Macy na umupo at dumikit pa sa akin. Nakangiti siya, iyong ngiting nahihiya na medyo may pagka-malakas ang loob. "Kailan ulit pupunta rito si Kreit Tristan?" nakangiti at nahihiyang tanong pa nito.

"Hindi ko alam" nangungunot na sagot ko, dumiretso na nang tingin.

"Puwede mo ba siyang ayain na sumama sa atin? Sa Laguna? Alam mo na, para makilala niya ako tsaka para magkasama kami" nangingising tiningnan ko siya na umiwas ng tingin, nahihiya siguro sa sinambit niya. "Sige na, tinulungan kita kanina eh" pamimilit niya.

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now