E P I S O D E 2 5 - M U N D O

605 6 0
                                    

Chapter 25

AKALESHA's POV

Kahit pa gusto kong magtatakbo at kunin ang cellphone ko, hindi ko nagawa. Hindi ko alam kung bakit ganito kaaga ay nagsisulputan ang mga customer, pinuno ang VIP. Aligaga ang naging trabaho ko dahil hindi ako mapakali sa naiwan kong cellphone. Kamuntikan na rin akong pumalak mabuti nalang at napagtakpan ni Clyde na mukhang nanumbalik na sa totoong katauhan niya. Marahil maganda na ang takbo nang relasyon nila ni Macy.

"Anong oras na?" tanong ko kay Macy pagdating ko sa counter, pagkatapos kong pagsilbihan ang huling customer. Kunot-noo naman siyang tumingin sa relo niya.

"10:58" sagot naman niya. Napabuntong hininga naman ako. Ang tagal pa bago ang lunch, kailangan ko nang makuha ang cellphone ko. Baka sumabog na ang buong building, naiwanan ko pa namang nakacharge. Hindi ko naman saulado ang number ng dalawa para mautusan ko sila, hindi ko rin alam kung anong ang punta nila sa condo o baka hindi na sila makapunta pa ngayong araw. Hindi naman sila nagsabi.

Kung puwede lang tawagan ko ang saliri kong cellphone at utusang umalis sa pagkakacharge.

"Ano bang nangyari sayo at mukhang aligaga ka ngayon?" puna ni Macy na nakasandal sa counter at nakapaikit pa. Relax na relax samantalang ako kulang nalang humaba ulo ko papuntang condo ko.

"Naiwan ko cellphone" mabilis na sagot. Tiningnan ko ang relo niya at ako na mismo ang kumuha sa kamay niya para tingnan ang oras. 11:00 palang! Kalahating oras pa bago ang lunch.

"Bakit? May katext ka? Natatakot ka baka hindi mo mareplyan?" biro niya. Natamaan ako roon at marahang binalik ang kamay niya. Iyon ba ang dahilan? Natahimik ako.

Minulat niya ang mata niya at napatayo nang tuwid, umaalis sa pagkakasandal sa counter. "Dalaga kana ba? Ano? Sino? Napansin ko rin kanina na may dala ka nang bag at may make-up ka pa, ipaliwanag mo nga" nakangising tanong niya. Hindi ko alam kung si Macy ba talaga ang kausap ko o baka sumobra lang siya sa tuwa ngayon kaya ganiyan siya.

"Wala, hindi ba puwedeng magbago?" marahang sagot ko. Ako naman ngayon ang sumandal sa counter, itinuon nalang ang atensyon sa mga taong kumakain. Hindi nga pala ako kumain kaninang umaga, ginugutom na nga ako pagkatapos naiwan ko pa cellphone ko.

"Sabi mo eh" napipilitang aniya ngunit baka sa boses niya na hindi siya kumbinsido. "Oo nga pala, nasabi ko na pala kay Tristan 'yong tungkol sa pamamasyal natin next week! Mabuti nalang ako ang nagyaya sa kaniya, agad siyang pumayag! Ang bait-bait niya pagkatapos sobrang gwapo pa" masayang kuwento niya, nagliliwanag ang mata niya at hindi matanggal ang ngiti sa labi niya. Sa kislap ng mata niya ay naroon ang pagbabalik-tanaw sa naging interaksyon nila ni abno.

At sa kauna-unahang pagkakataon ay gusto ko siyang batukan ng napakalakas para mawalan siya nang malay at tumigil siya sa pagsasalita. Ano 'yon? Naghahalikan na sila ni Clyde pagkatapos gusto niya parin si abno? Hindi porke maganda siya magloloko na siya. Kairita ah.

"Hindi ba magkaibigan naman kayo? Anong mga hilig niya o paborito niyang pagkain?" kuryosong tanong niya, may kinikilig na ngiti at dinanggil pa ako sa balikat. Aray ko ah!

"Ma-Marunong kang magluto?" baling ko sa kaniya. Humalukipkip siya at tinaas ang mga kilay niya, 'yong itsurang nagmamayabang. Imbes na mayabangan ay nainggit ako, hindi ako marunong maghugas ng plato, hindi marunong magsaing at wala talaga akong talento pagdating kusina.

Unang-una, nandiyan si Shana para maghugas ng plato at may kasambahay kami kaya hindi talaga ako gagawa nang bigating trabaho na gano'n. Pangalawa, nandiyan ulit si Shana para magsaing at rice cooker pa ang gamit niya. Pangatlo, nandiyan palagi si Shana para ipagluto ako at ang mga kasambahay namin kaya wala talaga akong alam sa ganon. Nakakatamad ring gawin. Magpaturo kaya ako kay Shana?

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now