E P I S O D E 1 2 - K A B A

878 21 12
                                    

Chapter 12

AKALESHA's POV

"Aki, nakapunta kana bang Laguna?" tanong sa akin ni Clyde. Lunch na at narito kami sa locker room, kakain lang namin at kasalukuya kaming nakaupo rito at nagpapahinga. Hindi malayo sa amin ay si Macy. Pinigilan kong matawa nang magnakaw siya nang tingin kay Clyde.

"Aki?" napatingin ako kay Clyde na inosenteng nakangiti sa akin. Naghihintay ng sagot ko. Pasimple akong sumulyap kay Macy. Hindi pa kasi umamin itong babaeng ito eh.

"Ah hindi pa eh" dahilan ko kahit ilang beses na akong nakapunta roon. Lagi akong pinapasyal ni Daddy doon no'ng bata pa ako, kapag may business trip siya. Sa bagay, bata palang ako no'n. Ano na kayang itsura ngayon?

"Talaga? Gusto mong mamasyal sa amin? Maraming magandang pasyalan doon!" pagmamalaki ni Clyde. Sumulyap ako kay Macy na ngayon ay nakahalukipkip.

"Oo bah, isama ko kaya mga kaibigan ko? Pati si Macy isama natin" sagot ko habang sumusulyap kay Macy, nilagyan ko nang sigla. Para matigil na siya sa mga nakakadiring imahinasyon niya. Maigi na rin iyon at nang makapamasyal ako. May gulat sa mata niya nang lumingon siya sa amin. Kinindatan ko siya.

"Oo nga, ano? Mas marami mas masaya!" natutuwang saad ni Clyde, napapalakpak pa siya sa saya. Siguro iniimagine na niya ang magaganap. "Maayos na pala kayo ni Macy?" biglag tanong niya, lumingon siya kay Macy. Umiwas naman ito nang tingin sa kaniya.

"Oo, ayos na kami. Sasama ka, diba Macy?" tanong ko. Lumingon kami ni Clyde pareho sa kaniya.

"Ah kasi..." nag-aalangan pa siyang tumingin kay Clyde na inosenteng nakangiti.

"Alam mo ba kay Clyde-"

"Sasama na ko! Sasama na ko!" nagulat naman kami ni Clyde nang bilang nagsisisigaw si Macy, pinutol ang balak kong sabihin. Iniisip niya ba na sasabihin ko kay Clyde?

"Mabuti naman! Ano pala ang sasabihin mo, Aki?" nakangiting tanong sa akin ni Clyde.

"Narinig ko kasing pinag-uusapan ng mga katrabaho natin na magsasara nang tatlong araw ang Sunshine's pagkatapos ng ilang linggo, kaya naman sa araw nalang iyon tayo mamasyal nina Macy" paliwanag ko. Napatango-tango namang ngumiti si Clyde, si Macy naman ay mukhang nakahinga ng maluwag. Narinig ko kasing may nagrent ng buong restaurant, iilan lang ang magtatrabaho sa araw na iyon at hindi kami kasaling tatlo dahil sa VIP kami saka ang mga matagal na empleyado na rito ang mga kinuha.

Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas. Lumabas ang ulo nang isang hindi kilalang tao ngunit base sa uniporme niya ay isa siya sa mga nagtatrabaho rito. "Pinapatawag ni sir Kris si Akalesha, sa opisina raw" pagbibigay alam nito saka umalis na.

Agad akong napatayo. Ano na naman kaya ang kasalanan ko? Iyong bang nabagsak kong order kanina? Kasalanan naman iyon nang isang customer eh, binangga ako sa likod. Hindi niya ba ako nakikita? Ang luwang-luwang ng lalakaran eh. Nagsorry lang tapos wala na, umalis na.

"Ah sige, iwan ko muna kayo" paalam ko. Sumulyap muli ako kay Macy, na bumaba ang tingin at tila biglang nailang. "Sige, enjoy" tuluyan na akong nakaalis.

Pagdating ko sa opisina ay kumatok muna ako. Bumukas ito kaya naman dahan-dahan akong pumasok. Bahagya akong napaatras ng makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto. Naramdaman ko na naman ang kakaibang kaba sa dibdib ko nang magtagpo ang mata namin. Pero ano iyong amoy na iyon? Ang tapang.

Nakatatlong bahing ako sa harap niya. Nangungot ang noo kong napahawak ako sa ilong ko. Pag-angat ko nang tingin ay nakapikit siya at kumikislot-kislot pa ang labi. Napangiwi ako.

PEARL OF A TOMBOYKde žijí příběhy. Začni objevovat