E P I S O D E 3 4 - M A L A L I M

258 5 0
                                    

Chapter 34

AKALESHA's POV

Lumipas ang ilang linggo na ganoon ang nangyayari. Sa umaga'y nag-aaral ako at sa gabi naman ay lumalandi gaya nga nang sabi nang mga lokaret. At simula rin ng araw na inamin ni Kreit na nanliligaw siya sa akin, hindi niya na ako hinalikan pa.

"I won't kiss you, not until we're official" seryosong anito. Sinamaan ko siya nang tingin, hinihintay na bawiin niya ito ngunit nagpatuloy lang siya sa pagkain.

Gusto ko sanang sabihin na 'Edi tayo na!' ngunit pinigilan ko lamang ang sarili ko. Isa pa, mas mabuting mas kilalanin ko pa siya. Hindi naman sa hindi ko talaga siya kilala pero hindi naman ako nagmamadali.

Maraming kaming oras para diyan. Isa pa, nag-aaral pa ako. Wala pa akong maipagmamalaki sa kaniya, mukha ngang anak niya pa ako.

"Wow! I never really thought you would... I think you're ready" papuri sa akin ni Andson matapos makita ang buod ko nang mga natutunan ko. Ilang papel ang sinayang ko para roon at mukhang hindi naman iyon nasayang dahil binasa niya lahat.

"Syempre! Magaling ang nagtuturo eh" tinaas ko ang palad ko para sa isang high five ngunit hinampas iyon ng lokaret na si Shana. Niyakap niya ang braso ng guro ko at hindi pa talaga nakuntento, hinalikan pa sa pisngi.

"Hoy pokpok! Selosa ka niyan?" pang-aasar ni Alesia sa malayo, patungo siya rito sa amin dala ang mga snacks. Sinamaan niya lang ng tingin si Alesia ngunit hindi tumigil sa paglambitin kay Andson. Hindi naman nagreklamo ang guro ko, hinayaan lang.

"Sabay-sabay na tayong mag-enroll bukas ah?" paalala ni Alesia na binigyan ako nang baso nang juice. Tumango ako ngunit nanatili siya sa harapan ko.

"Ano?" hindi ko nakuha ang pagtaas niya nang kilay sa akin.

"Sabay-sabay tayo, walang lalaki!" mariing sagot niya. Dumaan pa siya sa gitna naming tatlo na tinulak ang noo ni Shana gamit ang hintuturo niya. Nagulat ako nang hindi siya gumanti, nagpacute lamang siya kay Andson na nginitian siya.

Kinagabihan ay nagdinner kami ni Kreit. NagtaTagalog na siya pero sa akin lang. Ginawa pa akong special ng abno.

"Kreit" tawag ko sa kaniya at tinuro ang gilid ng labi niya. Ngumuso lang siya habang nakakunot ang noo niya. "May dumi ka sa labi" inabot ko ang mukha niya at tinanggal ang tsokolate na naiwan roon gamit ang hinlalaki ko. Dapat pala tissue nalang ginamit ko pampunas, pinunasan ko ang hinlalaki ko gamit ang tissue pagkatapos.

Kaunti lang ang kinakain ko sa chocolate cake. Masyadong matamis. Umangat ang tingin ko sa kaniya at nagtama ang mata namin. "Bakit?"

"Bakit ayaw mo nang sweets? Come on! It is sweet, everyone loves sweets!" kumuha siya nang kaunti sa kaniyang cake at tinapat sa akin. Nilayo ko ang mukha ko.

"Nauumay na ako" tanggi ko. Siya nalang tuloy ang kumain no'n. Pinagmasdan ko nalang siya habang kumakain. Natigilan siya at linabanan ako nang tingin. Ilang sandali lang ay umiwas na ako, hindi matagalan ang titig niya lalong-lalo na kung ganiyan siya kagwapo.

"Why?" nangingiting tanong niya. Napakain tuloy ako sa cake ng wala sa oras. Hindi ko na siya tiningnan at pinaglaruan nalang ang cake ngunit hindi ko siya maiwasang sulyapan.

"Look at this girl, ubusin mo. Sayang! That's why you have no sweetness at all" pabulong na ang huli niyang pangungusap. Pinanlinsikan ko siya nang mata.

"Hindi naman tayo kaya hindi ako sweet" panggagaya ko sa tono niya. Bigla siyang napaayos ng upo at ngumiti sa akin.

"That's a good idea, I know where is this heading. Tell me more" pungalumbaba siya sa mesa habang may pekeng malawak na ngiti sa kaniyang labi. Nagbabait-baitan pa.

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now