E P I S O D E 4 4 - W E D D I N G

265 3 0
                                    

Chapter 44

Hinampas ko si Anne sa braso nang makita ko ang regalo niya sa akin. Isang black lingerie dress. Natawa siya sa naging reaksyon ko.

"Why? It's sexy!" Kinuha niya ito at pinakita sa girls. Naghalakhakan ang mga ito kasama ang mga bakla.

"Bet ko 'yan! Sa akin nalang!" Si Walen na kaagad tumayo at kinuha sa akin iyon. Linalad niya iyon at dinikit sa katawan niya paharap.

"Grabe!" Napatakip sa bibig si Pema. Lumaki ang ngisi ni Walen at nagmodel-model pa. "Grabe ang panget mo talaga!" Biglang tawa nito.

Natawa kaming lahat roon. Kunwaring nagtampo si Walen na binagsak ang lingerie at akmang aalis ngunit bumalik kaagad para sabunutan si Pema.

"Warla ka pemanget!" Aniya at pinulot muli ang dress.

Narito kami sa living room at isa-isang binubuksan ang mga regalo para sa isa't isa. Matapos naming salubungin ang pasko ay nagdinner kami at doon na nangyari ang exchange gift. 

Kami nina Anne, Clara, Jhun, Walen, Pema, Macy at Shana ay nakaupo sa carpet. Nagkukuwentuhan lamang at ipinamamayanin ang regalo sa isa't isa.

Sina Clarence, Troy, Ivan, Ryan, Clyde at Andson ay nag-uusap tungkol sa business at hindi rin maiiwasan na magbiruan dahil sa hindi makasabay na si Clyde. Nakaupo silang lahat sa couch at umiinom. 

Si Alesia at Kris naman ay nagyayakapan sa sofa. Hindi makatulog ang buntis dahil namamangha sa fake snow na umuulan hanggang ngayon. Gusto na ngang ipapatay ni Kris ang machine dahil hindi makakatulog ng maaga ang isa.

Bukas pa makakapunta sina tita Raine at si ate Doray. Si tita Raine ay umuwi sa pamilya niya sa Quezon habang si ate Doray naman ay nagcelebrate rin kasama ang pamilya.

"Kuya! 'Yong pinapakuha ko, please. Thank you!" Maarteng anito sa kaniyang kapatid. Agad namang tumayo si Andson at nilapag ang iniinom sa glass table sa kaniyang gilid. Inaya niya pa ang mga kameeting niya pati si Kris.

"Bilisan mo ah?" Nakasimangot pa si Alesia bago pinakawalan si Kris. Tumango lamang si Kris at hirap na tumayo dahil sa kaniyang costume.

Bago sila umalis ay nahuli ko pa ang paglingon ni Troy na parang nagpapaalam, paglingon ko ay nakataas lang kilay ni Anne. "What?" Aniya ng magtama ang paningin.

Umiling-iling lang ako habang may namumuong ngisi sa aking pisngi.

Si Alesia ay himas-himas ang tiyan niya, siya lang ang nag-iisang nakaupo sa sofa. Masakit raw ang likod niya.

"Ano bang pinakuha mo sa boys Clara?" Reklamo ni Alesia.

"Oh it's just the cards for like the pinoy henyo thing," reply naman isa.

"Yon lang? Inistorbo mo pa silang lahat lalo na si Kris!" Inis na sabi nito. Panay ang linga sa direksyon ng pinto.

"Oo nga! Pagod na pagod pa naman 'yon sa costume niya," komento ni Jhun.

"Tsaka kaboring rin, wala ang boys! Kachaka dahil puro susuhang babae ang nakikita ko," sumang-ayon ang baklang Walen.

"Tingin ka kasi kay Pema, walang suso  utong lang ang meron," pang-aasar niya kay Pema.

PEARL OF A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon