(29) - Unveil

199 5 1
                                    

CATHERINE's POV


"Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kayo'ng dalawa na." nilapag ni Tita Sandy ang niluto at dala niya'ng Halabos na Hipon sa gitna ng lamesa namin sa bahay.


Pagkagaling namin ni Migs sa puntod ni Papa, tumawag si Mama na para sabihin sa'kin na sinipag siya magluto kaya pina-iinvite niya si Migs at ang pamilya nito sa bahay. Nagustuhan naman namin ni Migs ang ideya na 'yun kaya agad namin tinawagan sila Tito Victor at sila Simon.


Mukha'ng sinipag nga magluto si Mama, ang dami niya'ng niluto. Nagdala rin ng ilang putahe si Tita Sandy kaya sobrang dami naming pagkain.


"Sinabi mo pa, Sandy." komento ni Mama sa sinabi ni Tita Sandy na nakaupo sa tabi niya, "Akala ko nga matatakot na magmahal ulit 'tong unica hija ko. Mabuti na lang at nakilala niya ito'ng si Migs."


"Nako Tita! Hindi rin naman kami papayag ni Simon na 'di sila magkatuluyan." napatingin naman ako kay Erin at tinanguan ako.


"Mabuti kung gano'n." sagot ni Mama kay Erin. Sunod tumingin sa'min ni Migs si Mama at ngumiti sa aming dalawa, "Pero mabuti na lang na sila'ng dalawa na rin ang gumawa ng paraan para pumasok sa isa'ng relasyon. Look at them now, they're both happy."


Naramdaman ko ang pagpisil ni Migs sa kamay ko na kanina pa niya hawak.


Si Tito Victor ang nakaupo sa kabisera, habang si Migs naman ang nasa kaliwa niya at si Tita Sandy ang nasa kanan niya. Katabi naman ni Tita Sandy si Mama kung kaya't kami ang magkatapat. Sa tabi ni Mama nakaupo si Simon at sa gilid ko naman si Erin.


Sa obserbasyon ko sa mga tao'ng nasa paligid ko ngayon, alam ko'ng masaya sila para sa'min ni Migs. Magkakilala na noon pa sila Tito Victor, Tita Sandy at Mama, pero iba ang closeness nila ngayon. Kita'ng kita ko rin kung gaano ka-genuine ang mga tawa at ngiti ng bawat isa. Nakakatuwang isipin na nagkakasundo ang pamilya namin ni Migs.


After how many years na kami'ng dalawa lang lagi ni Mama ang magkasama dito sa bahay, ngayon ko na lang ulit nakitang ganito kasaya at karaming tao ang nandito sa bahay. Sana palaging ganito.


"You happy?"


Napatingin ako kay Migs 'nang bumulong siya sa'kin. When I stared at him, I saw happiness in his eyes, happiness that I wasn't able to see when we first met.


I smiled at him and nodded, "Sobra."


I look down and saw our hands holding one another and my smile grew wider.


Higit pa sa salitang saya ang nararamdaman ko ngayong araw na 'to. Dinala ako ni Migs sa lugar na sinasabi niya'ng madalas niya'ng puntahan mag-isa, and it only means na parte na talaga ako ng buhay niya. Dahil dun, dinala ko rin siya kay Papa at pinakilala siya dito. Kahit na alam ko'ng hindi niya nakilala si Papa physically, alam ko'ng nakilala siya ni Papa. 


"Masayang masaya ako." I said as I moved my eyes back to him and I saw smile on his lips. 


The Greatest Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon