(23) - Relinquish

229 5 1
                                    

CATHERINE's POV


The moment I got home from Tito Victor and Tita Sandy's anniversary dinner, hindi na nawala sa isipan ko buong gabi ang mga sinabi ni Migs sa'kin. Hindi ko maalis sa isipan ko ang bawat salitang sinambit niya 'nung nag-usap kaming dalawa. At hindi ko na rin makalimutan ang naging sagot niya 'nang tanungin ko siya kung sino't ano ba ako sa buhay niya.


"Shantal is still your wife. Hangga't hindi kayo naghihiwalay, siya pa rin ang asawa mo. 'nung sinabi mo sa'kin na mahal ako, may isang tanong na pumasok sa isip ko. Where does that leave me? Who and what am in your life then?"


"The woman I love."


Hindi ko alam kung dapat na ba akong maniwala sa nararamdaman kong totoo ang sinasabi ni Migs na mahal niya nga ako.


Bakit ba tumututol pa 'ko kahit siya na mismo ang nagsasabi na mahal na niya ako? Bakit ba hirap na hirap akong paniwalaan ang nararamdaman niya para sa'kin?


Dahil ba sa minsan na akong napaso sa pag-ibig?


Dahil ba minsan na akong naloko't nasaktan?


Dahil ba nagawa 'nang magsinungaling sa'kin ni Migs?


O dahil ba sa katotohanang natatakot lang akong masaktan at mawala sa'kin si Migs?


Oo, mahal ko na si Migs. Sa maikling panahon na nakasama ko siya, nahulog ang loob ko sa kanya dahil hindi siya mahirap mahalin. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit gano'n kabilis akong nahulog sa kanya, na bakit kagagaling ko lang sa isang relasyon pero nagawa ko na kaagad kalimutan 'yun dahil kay Migs. Wala akong nakuhang sagot maliban sa katotohanan na iba ang saya na nararamdaman ko kapag kasama ko siya.


Bakit hindi ko magawang paniwalaan si Migs? Dahil natatakot ako.


Napakalaking sugal ang mahalin si Migs dahil sa sitwasyon na kinalalagyan niya at dahil minsan na rin akong nasaktan. Isang malaking sugal ang kinakailangan kong gawin dahil alam naming pareho na nasa maling panahon ang pagmamahal na nararamdaman namin. Isang malaking sugal ang kailangan kong gawin dahil kinakailangan kong lagpasan ang takot na nararamdaman ko dito sa puso ko. Kahit saang anggulo namin tingnan, maling pag-ibig ang nararamdaman namin dahil kasal siya at may asawa siya. Pero maling pag-ibig pa rin ba 'yun kung wala namang nararamdamang pagmamahal si Migs sa asawa niya simula't simula pa?


Kailan nga ba nagiging mali ang pag-ibig?


Ewan ko. Hindi ko na alam.


Sana pwede kong tawagan si Papa sa langit para naman alam ko ang mga sagot sa lahat ng tanong ko ngayon. Ilang gabi na akong hindi pinapatulog ng mga tanong na 'to.


Hindi ko alam kung alin ang mas kaya ko, ang balewalain sa sarili ko ang nararamdaman ko para kay Migs at balewalain na hindi ako nasasaktan sa tuwing nasasaktan ko siya? O mas matatakot ba ako na mawala siya sa'kin?


Hindi ko alam kung ano ang mas mahirap gawin, ang mabuhay ng wala siya sa tabi ko o sa buhay ko? O ang mabuhay ng puno ng takot at pangamba?


At hindi ko na rin alam kung ano ang mas masakit, ang masaktan sa pag-ibig? O ang masaktan at talikuran ang taong alam mong mahal mo?


Isang tanong ang pinakamahalaga sa'kin ngayon, kakayanin ko pa bang mabuhay ng wala ka?


🌺


MIGUEL's POV


This is the first time that I fall in love.


The Greatest Love AffairWhere stories live. Discover now