(15) - Make It Up To You

243 3 0
                                    

CATHERINE's POV


Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako for four hours. 'Yun na yata ang pinakamahabang tulog na naitulog ko sa tanghali. 


'Nang sumilip ako sa bintana ay nakita kong palubog na ang araw. 


Patay ako nito mamayang gabi, siguradong hindi ako makakatulog. 


Paglabas ko ng kwarto ko, naamoy ko kaagad ang mabangong amoy ng niluluto ng kung sino mang nagluluto na 'yun. Bumaba ako mula sa second floor ng cottage namin at wala akong naabutan na kahit na sino sa maliit na living room ng cottage namin. Walang bakas ni Erin, Simon at pati na rin nila Tita Sandy. 


Siguro nasa kusina silang lahat. 


"Hungry?" 


Halos mapatalon ako sa gulat 'nang biglang may nagsalita sa likuran ko.


Paglingon ko nakita ko si Migs na may btibit na isang tray ng barbeque at papunta siya ihawan sa labas. 


"Sila Tito Victor kausap 'yung may-ari nitong resort. Ininvite sila magmeryenda e siguro napasarap 'yung kwentuhan nila." nilapag niya 'yung bitbit niyang tray sa lamesa at humarap siya sa'kin, "Si Erin at Simon, nagpunta ng resturant. Mag-oorder daw silang pagkain." 


I nodded, "Okay." then I look away. 


"Catherine, sandali." he grabbed my arm, preventing me to walk away from him, "Can we talk?" 


Alam ko naman kung tungkol sa'n 'tong pag-uusapan namin na sinasabi niya. Alam kong tatanungin na naman niya ako tungkol sa nahinto naming usapan kanina bago sila umalis nila Erin. At hanggang ngayon, wala pa rin akong maisip na ipanglulusot sa kanya. 


Pa'no ko naman sasabihin sa kanya na naiinis ako sa kanya dahil iniiwasan niya ako? 


Baka mamaya kung ano pang isipin niya. 


"Hindi na kita tatanungin kung ano 'yung ikinakagalit mo. Rerespetuhin ko na lang na sarilinin mo 'yun pero kung ano man 'yung nagawa ko, I'm sorry." 


When I looked at him, I saw how sincere he is. 


"Hindi naman ako galit sa'yo e." huminga ako ng malalim at hinarap siya ng tuluyan, "Wala lang talaga ako sa mood kanina kaya nasungitan kita. Pasensya ka na rin kanina. Kalimutan na lang natin 'yung nangyari, tutal naman wala na----" 


"Let me finish first." he interjected so I let him speak, "Wala ako sa mood kanina dahil sa sakit ng ulo ko kaya siguro naramdaman mo na parang iba 'yung pakikitungo ko sa'yo and I'm sorry if you felt that way. Hindi ko ginustong madamay ka sa sakit ng ulo ko kaya sana hayaan mo akong bumawi sa'yo." 


Bumawi?


Napakunot ako ng noo sa sinabi niya, "Pa'nong bumawi?" tanong ko sa kanya. 

The Greatest Love AffairWhere stories live. Discover now