(26) - Secrete

268 6 1
                                    

AUTHOR's POV


Just like what Migs said, haharapin niya si Shantal, ang abogado nito at maski ang magulang nito. Tinupad niya ang pinangako niyang meeting kasama na rin ang abogado niyang si Atty. Carissa Agaton na malapit na kamag-anak din ng pamilya nila Migs. Nakasama na rin niya si Simon na makipagmeeting kay Atty. Agaton, pinag-aralan nilang maigi ang bawat grounds na pwedeng gamiting sa annulment ni Migs at ni Shantal, kaya panahon na rin para magkaharap sila dahil handa na si Migs na umpisahan ang lahat. 


Naunang dumating sila Migs, Simon at Atty. Agaton sa private restaurant na mismong magulang ni Shantal ang nagreserve para sa meeting na 'to. 


"Are you ready, Miguel?" tanong ni Atty. Agaton kay Migs as soon as makaupo sila sa table nila. 


Migs nodded, "Matagal ko 'nang pinaghandaan 'to, Tita Carissa. I have and I want to do this." he answered. 


Halos kasabay lumaki nila Victor at Art si Carissa kung kaya't Tita na lang ang tawag ni Simon at Migs sa abogadong ito. Ngunit nagkasundo sila na sa oras ng meeting ay attorney ang itatawag nila rito para sa formality ng meeting. 


"Sandali, pa'no kapag nalaman nila 'yung tungkol sa relasyon ko kay Catheirne?" biglang tanong ni Migs kay Carissa, "Hindi ba 'yun magagamit against the annulment?" nag-aalalang tanong ni Migs kay Carissa. 


"Migs, ang isinasampa nating annulment ay may dalawang grounds na magagamit against their party at kahit malaman pa nila ang tungkol sa relasyon mo kay Catherine, hindi nila 'yun magagamit against you. I consulted my Dad, he's a former judge, at siya na rin ang nagsabi na malakas ang laban mo." paliwanag ni Carissa kay Migs. "But I suggest na hangga't hindi nila kusang nalalaman ang tungkol sa relasyon niyo ay 'wag na muna natin 'yun banggitin. Kapag ginamit nila 'yun against us, dun lang tayo magre-respond." 


Napakunot naman ng noo si Simon, "Bakit?" napatingin siya sandali kay Migs pero mabilis niya rin ibinalik ang tingin niya kay Carissa, "Diba dapat maging open na tayo about it? Baka lumabas pa na tinatago natin 'yun." 


Carissa clicked her tongue and shook her head, "No, Simon. Ang labas natin 'nun ay defensive." 


Eventually ay naintindihan din ni Simon at Migs ang rason ni Carissa kung bakit hindi na muna nila babanggitin ang relasyon ni Migs at Catherine. Sa ganoong paraan ay hindi sila lalabas na defensive at kaya gusto nilang ma-annulled ang kasal ni Migs kay Shantal ay para sa relasyon nilang dalawa. 


Ilang sandali pa ay dumating na rin sila Shantal at tulad ng napagkasunduan ay kasama nga nito ang magulang at ang abogado. 


Tumayo si Migs para makipagkamay sa magulang ni Shantal pero hindi siya pinansin ng mga ito. Naupo lamang ito 'nang hindi siya pinapansin pero si Shantal ay lumapit sa kanya para bumeso sa kanya. 


"My dear husband, how are you?" 


Ramdam na ramdam ni Migs ang pagiging sarkastiko ni Shantal sa kanya pero hindi na lang niya 'yun pinansin at casual na sinagot ang tanong nito. 

The Greatest Love AffairWhere stories live. Discover now