(48) - The Climax Point

193 1 0
                                    

AUTHOR's POV


"No!"


"Catherine, makinig ka muna sa'min." pakiusap ni Amanda kay Catherine.


"This is the best thing to do, Catherine. So, please, listen to us first." saad din ni Migs na nakikiusap din sa kanya'ng kasintahan.


Dalawa'ng bagay lang ang hinihiling nila Amanda at Migs kay Catherine na siya'ng tinanggihan kaagad ng dalaga — ang una, ang magsampa ng kaso laban kay Shantal at TRO. May sapat na ebidensya para idiin si Shantal sa physical injury na plano'ng isampa nila Amanda at Catherine sa kanya, pero mariing tumanggi si Cathy sa gusto'ng mangyari ng kasintahan at ng kanya'ng ina.


"Kapag ginawa natin 'yan, mas lalo lang lalala ang gulo, mas lalo lang mag-aamok si Shantal, and for heaven's sake, ayoko na ng mas malaki pa'ng gulo." katwiran ni Catherine habang nakaupo siya sa kama niya at pinapaliwanagan ang ina at ang kasintahan, "Lalo'ng hindi ko rin gusto na may sumusunod na bodyguard o security sa likuran ko!"


Kanina pa nila pinagdidiskusyunan ang tungkol sa una'ng hiling nila Amanda at Migs kay Catherine, pati na rin ang gusto sana'ng mangyari ni Migs na magkaroon sila'ng lahat ng security, in other words, bodyguards.


Minsan 'nang naisip bigyan ni Migs ng bodyguard si Catherine pero tumanggi ang dalaga at hindi rin sumang-ayon sa kanya ang opinyon ng pinsan na si Simon, kaya naman wala'ng nagawa noon si Migs, pero pagkatapos ng nangyari kay Catherine at ang kaguluhan sa imbestigasyon ng kaso ni Carissa, makabubuti na magkaroon muna sila'ng lahat ng seguridad sa kanila'ng kaligtasan.


"Si Shantal ang pumili ng ginawa niya, kaya kailangan niya'ng harapin ang consequence na 'yun." paliwanag ni Migs at lumapit siya sa kama ni Catherine, "I don't want to sue her either, but after what she did to you, after she attacked you and caused you bruises and put you in danger, it only proves that she's not mentally stable and fine."


"And we could help her mental health by suing her?" Cathy asked immediately.


Hindi nakasagot si Migs.


"Alam natin pareho na kapag nagsampa tayo ng kaso laban sa kanya, sa ginawa niya sa'kin, lalaki lang ang gulo at mas lalo siya'ng manggigigil na guluhin tayo. Hindi naman matatapos 'to kung bawat galaw ni Shantal, eh, isusuplong natin." paliwanag ni Catherine.


Naniniwala naman si Catherine na gusto lang pagbayarin nila Migs at ng kanya'ng ina ang ginawa ni Shantal sa kanya. Kahit gusto niya'ng gawin 'yun, kahit gusto niya na pagbayarin din si Shantal sa ginawa sa kanya, pipiliin na lang niya'ng tumahimik dahil alam niya ang pinagdadaanan nito.


"So, just because she's grieving for her parents' demise, we will just let this pass?" hindi makapaniwala'ng tanong ni Migs kay Catherine at napailing ito, "I am telling you, Catherine, she's not fine!"


"Kung hindi natin siya tuturuan ng leksyon, hindi titigil si Shantal na gawin ang mga ganito'ng klase'ng delikado'ng bagay. Patuloy niya'ng iisipin na okay lang na gawin niya ang lahat 'nang gusto niya dahil wala'ng may magsusuplong sa kanya. So, might as well, gawin na natin 'yung dapat nating gawin, bago pa may maulit na ganito'ng pangyayari. Pwede'ng maulit 'to'ng nangyari sa'yo, Catherine." tumayo si Amanda mula sa pagkakaupo niya sa sofa sa loob ng hospital room ni Catherine at lumapit na rin kay Migs at Catherine, "Hindi lang ikaw ang pwede niya'ng gawan ng ganito. Pwede'ng ako, pwede'ng si Migs, pwede'ng sila Erin. She's a very dangerous woman and we should stop her while we can!" katwiran ni Amanda.


Nag-aalala si Amanda hindi lang sa buhay at kaligtasan ng kanya'ng anak, ngunit maging sa buhay na rin nila'ng lahat. Iisa'ng pamilya na sila at hindi magugustuhan ni Amanda kung malalagay sa alanganin ang buhay ng mga tao'ng malalapit sa kanila'ng mag-ina.


The Greatest Love AffairWhere stories live. Discover now