(7) - A Friend Found In Paradise

408 6 0
                                    

MIGS' POV


Dinner went fast.


Ni-hindi ko na nga halos maaalala kung ano ang napag-usapan naming lahat over dinner sa dami ng topic na nabuksan at sa sarap ng kwentuhan na nangyari.


"Grabe ang saya ng kwentuhan natin kanina." sabi ni Simon habang nililigpit namin 'yung lamesa'ng kinainan namin, "..tsaka ang dami nating nakain. Ayun sila Papa naglakad-lakad muna sa may dalampasigan para magpababa ng kinain."


Hinayaan na naming maglakad-lakad sila Tito Vic, Tita Sandy, Lolo Carding at Lola Lily sa may dalampasigan, kami na lang nila Simon, Erin at Cathy ang nagligpit. Speaking of Erin and Cathy, sila'ng dalawa ang nauna sa loob para hugasan 'yung ilang pinggan na ginamit namin. Kami na ni Simon ang nagligpit dito sa labas.


"Oo nga e." napahinga ako ng malalim sa sobra'ng kabusugan, "Mga ilang araw pa tayo dito tataba na ako."


"Buti na lang may gym equipment sila Lolo sa basement, kaya kahit papaano hindi mawawala 'to'ng abs ko." pabiro'ng sabi ni Simon.


I chuckled, "Puro ka talaga kalokohan." binuhat ko na 'yung mga natira'ng pinggan, "'Lika na, papasok ko na 'to sa loob para mahugasan na nila Erin 'to at 'nang makapagpahinga na rin sila, pati na rin tayo."


"Oy! Hindi kalokohan 'yung abs ko ah." hirit pa niya habang naglalakad kami papasok sa loob ng kusina, "Hi mahal!" lumapit si Simon kay Erin at hinalikan ito sa noo.


I can't help but smile when I saw Simon kissed Erin on her forehead.


Mga bata palang kami ni Simon, pinangarap na niya'ng magkaroon ng masaya'ng pamilya. 'Nung nakilala niya si Erin, pakiramdam niya siya na ang tutupad sa mga pangarap niya'ng 'yun. Tulad ng pangarap ni Simon na 'yun, pinangarap ko rin ang magkaroon ng masaya at kompleto'ng pamilya. For all I thought, I could finally have that with Shantal but I was wrong.


"Migs." Cathy snapped her fingers in front of me, "Okay ka lang?" she asked.


Hindi ko namalayan na natulala na pala ako kay Simon at Erin na ngayon ay nakatingin na rin sa'kin.


"Ah oo." sagot ko at napatingin ako dun sa mga pinggan na hawak namin pareho ni Cathy, "Bakit?"


"Ahm huhugasan ko na 'yan." sambit niya sa'kin at inabot ko na sa kanya 'yung mga pinggan, "Sigurado ka'ng okay ka lang?" tanong niya ulit sa'kin.


"Baka pagod ka na Migs.." napatingin ako kay Erin na nagpupunas ng mga nahugasan nila, "..mabuti pa magpahinga ka na sa kwarto mo. Kami na lang dito."


I shook my head, "Hindi, okay lang ako." I avoided their gazes and walked towards the sink to wash my hands.


"Hay nako Migs." Simon sighed, "Magpahinga ka na sa kwarto mo. Nagdrive ka pa kanina'ng umaga kaya sigurado ako'ng pagod ka, tapos namasyal pa tayo kanina sa bayan. Kaya na namin nila Erin at Cathy dito magligpit. Sige na."

The Greatest Love AffairDove le storie prendono vita. Scoprilo ora