(8) - Conquered & Captured

389 4 0
                                    

CATHY's POV


Our second day here went fast.


Erin and I walked and roamed around. Syempre, we took our chance to take as many photos as possible. This is not just for my social media accounts but also for Mama, para naman makita niya na nag-eenjoy ako ng sobra dito sa Villa Mariposa. Habang naglakakad kami, kinwento sa'kin ni Erin ang tungkol sa matagal niya ng wish, actually wish nila'ng mag-asawa, ang magkaroon ng anak. Sabi ko naman sa kanya 'wag siya'ng panghihinaan ng loob dahil marami pa namang pagkakataon tsaka 'wag sila'ng mawalan ng faith ni Simon kay God na one day bibigyan din sila ng anak.


Bukod dun, napagkwentuhan din naming dalawa 'yung mga kalokohan 'nung college days namin. Matagal din kami'ng 'di nakapagbonding ni Erin dahil hindi sila magkasundo ni Alliyah, kaya kung makikipagbonding man ako sa kanila'ng dalawa, magkahiwalay pa. Ngayon, wala na ako'ng balak makipagbonding kay Alliyah, bahala na siya'ng makipagbonding kay Satanas tutal kamag-anak naman niya 'yun.


Magtatanghalian na 'nung nakabalik kami sa bahay, tumawag si Simon kay Erin at sinabi'ng marami'ng tao sa supermarket kaya mahaba ang pila sa cashier. Nagdecide kami'ng dalawa ni Erin na kami na ang magprepare ng lunch. We cooked Chicken Adobo and Fried Liempo for lunch. 'Yun lang naman alam naming lutuin ni Erin e, 'di naman kami chef at professional magluto. Buti na lang nagustuhan nila Tito Victor 'yung niluto namin at napagtiyagaan nila.


During lunch, sinabi sa'min ni Tito Victor na pupunta kami do'n sa adventure park na malapit dito sa Villa Mariposa. Excited sila'ng lahat, maliban sa'kin.


Extreme rides aren't really my thing. Matapang ako'ng babae sabi ng nanay ko at ng mga kamag-anak ko pero pagdating sa mga ganong bagay, dun ako napapaatras. Hindi ko na lang pinahalata sa kanila na hindi ako excited, bahala na kung pa'no ko 'yun malulusutan bukas.


Sila Tita Sandy at Tito Victor ang nagluto ng dinner namin, medyo late na kami kakain dahil ang dami naming nakain 'nung lunch. Tumambay muna ako sa may swimming pool at nagpahangin.


"Alone?"


Napalingon ako sa lalaki'ng nagsalita sa likuran ko.


"May nakikita ka ba'ng kasama ko?" sarkastiko'ng tanong ko sa kanya.


"Wala." he sat down across me, "Sungit mo naman."


"E kasi naman po nakikita mo 'nang wala ako'ng kasama, tatanungin mo pa kung mag-isa ako dito." sabi ko.


"E bakit ka ba kasi nagmumukmok dito?" tanong niya sa'kin, "Ba't di ka sumama sa'min do'n nila Erin sa loob? We're watching a movie."


I shook my head, "Wala ako sa mood magbasa ng subtitle e." Korean movie kasi ang pinapanuod nila at sumasakit ang mga mata ko kapag nagbabasa ng subtitle, "Ba't ka umalis do'n? Tapos na ba 'yung pinapanuod niyo?"


"Pinahanap ka sa'kin ni Lola Lily e. Baka raw kung sa'n ka mapunta." sabi niya at tinaas niya ang mga paa niya at nag-Indian sit, "Ba't ka ba kasi nandito at nag-iisa?"

The Greatest Love AffairWhere stories live. Discover now