(50) - The End Of An Affair

428 3 1
                                    

CATHERINE's POV


Magta-tatlong araw na mula 'nang ipasok sa ICU si Migs. Sinasabi sa'min ng doktor na ligtas na siya pero nagtataka pa rin kami dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siya'ng malay. Hindi pa rin kami mapanatag dahil baka kung ano'ng mangyari kay Migs ngayon'g unconscious siya at nasa comatose state. Tinapat din kasi kami ng doktor na kahit maayos na ang katawan ni Migs ay maari pa rin ito'ng dapuan ng komplikasyon dahil sa pagkaka-comatose.


Hindi ko na alam kung ano ang dapat ko'ng gawin.


Kinakausap ko siya tuwing nasa ICU ako at gano'n din sila Tito Art, pero kahit na ano'ng dasal at hiling ang gawin namin ay wala pa rin'g nangyayari'ng development sa kalagayan ni Migs.


Habang nasa ICU si Migs ay nagpapalitan kami'ng lahat sa pagbabantay at paghihintay sa kanya. Kadalasan, kami nila Tita Mildred at Tito Art ang nakabantay, pero kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko'ng dun na lang ako sa tabi niya para paggising niya nando'n kaagad ako.


"Anak." tawag sa'kin ni Mama habang nag-aayos ako sa kwarto ko dahil pupunta ako'ng ospital.


"Oh, Ma, nand'yan ka pala." sambit ko dahil hindi ko napansin na pumasok pala sa loob ng kwarto ko si Mama, "Pupunta po ako'ng ospital ngayon. Kagabi pa po kasi nagbabantay sila Tito Victor at Tita Sandy do'n. Ako na po muna ang magbabantay para makapagpahinga sila."


"Anak, sandali lang."


Napalingon ako kay Mama na nakaupo sa kama ko at nakatingin sa'kin.


"Bakit po?" tanong ko.


Hinawakan niya ang dalawa'ng kamay ko at pinaupo ako sa tabi niya, "Anak, alam ko'ng nahihirapan ka sa sitwasyon ngayon ni Migs. Hindi mo pinapakita'ng nahihirapan ka at hindi ka nagre-reklamo pero gusto ko'ng malaman mo na nandito lang ako lagi para damayan ka at samahan ka sa lahat ng bagay." may pag-aalala ako'ng naramdaman sa boses ni Mama, "Sana 'wag mo rin'g pabayaan 'yang sarili mo."


Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano lumipas ang tatlo'ng araw 'nang hindi ko namamalayan.


Parang 'nung isa'ng araw lang nalaman namin na si Tricia pala talaga ang nasa likod ng lahat ng ito, nalaman din namin na simula pala'ng ay malaya na si Migs dahil wala'ng bisa ang kasal nila ni Shantal, at higit sa lahat, nalaman namin na tatlo'ng taon na pala'ng patay ang tunay na Shantal. Lumilipas ang mga oras at araw na hindi ko namamalayan.


"Hindi natin alam kung kailan magigising si Migs, pero hindi ibig sabihin 'nun ay dapat na rin'g tumigil ang buhay mo." sambit ni Mama habang hawak niya ang mga kamay ko.


"Ma, pa'no ko naman gugustuhin'g ituloy ang buhay ko kung hindi ko alam kung kailan magigising si Migs? Kung kailan siya babalik? Maayos na lahat, tapos na lahat ng problema namin, pero siya naman ang wala." malungkot ko'ng sagot kay Mama at napailing ako, "Isa lang ang gusto ko'ng mangyari ngayon, Ma, ang magising si Migs."


Hindi ako sinagot kaagad ni Mama at niyakap na lamang ako ng mahigpit.


The Greatest Love AffairWhere stories live. Discover now