(47) - Caused by Misery

155 2 0
                                    

AUTHOR's POV


Ilang araw na ang lumipas mula 'nang mangyari ang meeting nila Migs at Catherine kay Shantal, mula 'nung araw na 'yun ay wala ni-isa pa sa kanila ang umimik tungkol sa bagay na 'yun at sa naging hiling o kondisyon sa kanila ni Shantal. Hinahanda na lamang ni Migs ang sarili niya sa paghahain ng bago'ng grounds para sa annulment nila'ng dalawa ni Shantal. Iniisip niya na baka tanggapin na ni Migs ang abogado'ng nire-recommend sa kanya ni Simon noon pa para matuloy na ang trial ng annulment nila.


Samantala'ng si Catherine naman ay pinili na lamang kalimutan ang naging meeting nila kay Shantal, mas makabubuti nga siguro kung gagawa na lang sila ng iba'ng paraan ni Migs para ma-annulled ang kasal nito kesa sumunod sa gusto'ng mangyari ni Shantal.


'Nang malaman ni Catherine na marami'ng trabaho si Migs ay nagdesisyon siya'ng sorpresahin ito, hapon ng magpunta si Catherine sa townhouse ni Migs upang ipagluto ito ng masarap na hapunan.


"Nako! Mabuti naman at naisipan mo'ng ipagluto 'yang si Migs." nakangiti'ng sabi ni Manang kay Catherine habang inaayos nila ang hapagkainan para sa sorpresa ni Cathy kay Migs, "Ang sabi niya sa'kin kanina, magpa-deliver na lang daw kami ngayong gabi, eh, mabuti nandito ka para ipagluto siya."


Napangiti naman si Cathy habang naghahain ng plato sa lamesa, "Nasabi din po kasi sa'kin ni Migs na marami siya'ng trabaho ngayon kaya wala rin siya'ng time na makapaggrocery. Ayaw naman daw ho niya kayo'ng utusan kaya magpapadeliver na lang daw muna po siya ng dinner niyo. Kaya nagdecide ako na i-surprise siya, para naman mabawasan 'yung stress niya." paliwanag ni Cathy.


"Mabuti na lang talaga at nakilala niya'ng si Migs." saad ni Manang at sinagot naman siya ng ngiti ni Cathy, "At least, nakakasigurado na ako na may babae'ng mag-aalaga at magmamahal na sa kanya ng totoo."


Alam ni Cathy na witness si Manang sa naging marriage ni Shantal at Migs, hindi na niya tinanong pa kung bakit nasabi ito ni Manang dahil marahil 'yun ang dahilan nito.


Ilang sandali pa ay dumating na rin si Migs.


Gaya ng inaasahang reaksyon ni Cathy ay na-sorpresa nga ito 'nang makita siya nito.


"Love?" Migs chuckled as he approached Cathy to give her a kiss on her cheeks, "Ano'ng ginagawa mo dito? Ang sabi mo sa'kin nasa bahay ka nila Erin, susunod nga sana ako dun mamaya, eh." then he planted a kiss on Cathy's cheeks.


Cathy smiled, "I had to lie kasi nga ang sabi mo sa'kin kanina marami ka'ng trabaho tapos wala ka pa'ng time para maggrocery. So, I decided to cook dinner for you and Manang. Sayang naman 'yung galing ko sa pagluluto kung sarili ko'ng boyfriend, eh, hindi ko rin naipagluluto." katwiran ni Catherine.


Inakbayan ni Migs si Cathy at naglakad sila patungo sa may hapagkainan, doon nakita ni Migs ang marami at masasarap na pagkain na inihain ni Cathy para sa kanila.


"Wow! Mukha'ng masarap lahat ng 'to, ah." Migs excitedly said.


"Masarap talaga 'yan kasi gusto ko marami ka'ng makain, to the point na puputok na 'yang butones ng pantalon mo sa sobra'ng higpit." pabiro'ng sabi ni Cathy, dahilan para matawa si Migs, "Syempre, nagdala na rin ako ng dessert para naman kompleto. Diba?"


Bumulong naman si Migs kay Cathy, "Sana hindi ka na nag-abala, may mas masarap na dessert ako'ng naisip, eh." bulong ni Migs.


Cathy's brows furrowed, "Ano?"


"Ikaw."


Kaagad namang hinampas ni Cathy ang braso ni Migs dahil sa biro nito, dahilan para mas matawa si Migs dahil nakita niya rin kung paano namula ang pisngi ng kasintahan dahil sa naging biro niya.


The Greatest Love AffairWhere stories live. Discover now