(21) - Reality Check

254 5 1
                                    

CATHERINE's POV


I have no idea what really love is.


Akala ko noon alam ko na pero pagkatapos kong makumpirma sa sarili ko na nahulog na nga ang loob ko kay Migs, bigla akong nalito sa kung ano ba talagang ibig sabihin ng pag-ibig.


'Nang halikan niya ako, biglang napawi ng halik na 'yun ang galit na nararamdaman ko sa kanya. At nagawa kong aminin sa sarili ko na mahal ko na nga siya 'nang maramdaman ko na unti-unti ko na siyang nagawang halikan pabalik at para bang ayaw ko 'nang matapos ang halik na 'yun. There's no point in fooling myself anymore — I am already in love with Miguel Montinilla.


But instead of being happy about it, my heart shattered into pieces because our story hasn't started and yet nagawa na niya akong saktan.


Napatunayan ko rin ng araw na 'yun na hindi pa pala sapat ang kaalaman ko sa pag-ibig, dahil hindi ko naisip na posible palang mahulog ang loob ko sa isang lalaking kakikilala ko palang. Hindi ko akalain na kahit sa maikling panahon na pinagsamahan naming dalawa ni Migs ay posible palang tumibok ang puso ko sa kanya. Siguro nga dahil hindi naman mahirap mahalin ang isang tulad niya, dahil mula 'nung nagkakilala kami wala siyang ibang pinakita sa'kin kung hindi kabutihan. Nagbago lang ang pagtingin ko na 'yun sa kanya 'nung nalaman ko ang tungkol sa plano niyang paglayo sa'kin.


When he confessed to me that he loves me, aaminin ko na nakaramdam akonng saya at kilig pero hindi napawi ng saya't kilig na 'yun ang takot at galit na nararamdaman ng puso ko. Dun ako nagdesisyon na baka tama ang plano niya na iwasan na lang namin ang isa't isa. Siya na rin naman ang nagsabi na magiging komplikado ang lahat kung pakikinggan namin ang mga sinasabi ng mga puso namin. He's still married to his wife and I don't want to put myself into a situation that I might regret at the end. Kaya habang hindi pa gano'n kalalim ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Migs, kailangan ko 'nang tapusin ito kaagad. Hangga't kaya ko pa.


Tatlong araw na mula 'nung nakabalik kami ng Manila at 'yun na rin ang naging hudyat na kailangan ko 'nang kalimutan ang kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya. Kasama na dun ang lahat ng magagandang pinagsamahan namin.


Ngayong araw na rin ang balik ko sa trabaho, kaya naman maaga akong gumising para pumasok sa jewelry store ko — ang Amanda's. That business was actually founded by my grandparents, they named it after my mom kaya gano'n na lang ang pagpapahalaga ko sa negosyong 'yun. Lahat gagawin ko para lang maituloy ko ang magandang legacy ng lolo't lola ko at para lang hindi ito mauwi sa wala.


"Good morning Ma!" masayang bati ko kay Mama 'nang maabutan ko siyang kumakain ng breakfast sa dining room namin.


"O anak, good morning din." bati niya sa'kin pabalik at binigyan ako ng mabilis na beso, "Maaga ka yata ngayon. Papasok ka na ba sa jewelry store?"


I sat down beside her and nodded, "Yup!"


"Nakapagpahinga ka naman ba ng maigi? Nasulit ba naman ang bakasyon mo?" tanong sa'kin ni Mama habang kumakain kami ng breakfast, "Alam mo hanggang ngayon wala ka pa rin mashadong kine-kwento sa'kin tungkol sa naging bakasyon niyo sa Batangas. Sabi mo pa sa'kin ike-ikwento mo 'yung tungkol sa bagong kaibigan na nakilala mo dun, 'yung pinsan kamo ni Simon."


Napatingin ako kay Mama at nakita kong hinihintay niya akong sumagot.


Mula kasi 'nung bumalik ako galing Batangas, wala pa akong nake-kwento kay Mama kung hindi ang mga nagawa kong activities dun. Aside from that? Wala na.


I know I promised her too na ike-ikwento ko sa kanya ang tungkol kay Migs pero nawalan ako ng ganang gawin 'yun dahil sa nangyari. Isa pa, hindi pa ako handang sabihin sa kahit na kanino 'yung tungkol sa nararamdaman ko para kay Migs, lalo na kay Mama.


The Greatest Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon