(12) - Your Hand Brushes Mine

278 2 0
                                    

CATHY's POV


Hours went fast.


5pm 'nang magsimula ang maliit na salo-salo para sa anniversary nila Erin at Simon. Dumating halos lahat 'nang inimbita nila Lola Lily. Sulit lahat 'nang niluto naming pagkain dahil lahat nagustuhan 'yun.


It's almost 9pm at ang ibang bisita ay nag-uwian na. Although may mga bisita pa ring nagstay dahil sa inuman at dahil may pagkain pang natira.


"Hay."


Napatingin ako sa lalaking biglang umupo sa tabi ko.


Si Miguel.


Kanina pa kami nakatayo dahil ine-entertain namin ang ibang bisita. Syempre, nagserve din kami dahil wala namang ibang gagawa 'nun. Kaya naiintindihan ko kung bakit ang bigat ng buntong hininga ni Migs.


"Pagod?" tanong ko sa kanya.


He nodded, "Sobra." then he chuckled, "But worth it."


He pointed his finger towards Erin and Simon who are slow-dancing in the dancefloor.


"Wow." I reacted.


Noon palang masayang masaya na ako para kay Erin. College palang kami 'nang makilala niya si Simon pero hindi agad niya nagustuhan kasi akala niya babaero pero matiyaga ang loko e, hanggang sa nabingwit na rin niya ang puso ng Beshie ko.


"Worth it 'yung pagod ko kasi nakita ko kung gaano naging masaya si Simon at Erin sa celebration na hinanda natin para sa kanila." bumalik ang tingin ko kay Migs, "They're one of the rare couples na kahit anong bagyo kayang lagpasan 'nang magkasama. 'Yun bang kahit ang tagal-tagal na nilang magkarelasyon, hindi pa rin sila nagkakasawaan. Kahit ilang beses nilang ma-disappoint ang isa't isa, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal at pagtingin nila sa isa't isa."


Clearly, Migs wanted to have that kind of marriage with his wife, Shantal. Pero hindi sila pinalad.


"Akala ko 'nung pinakasalan ko si Shantal, magiging masaya din ako tulad ng saya na nararamdaman nila Simon at Erin. Somehow, I became happy with her. We made happy memories together pero kulang pa rin pala 'yun." kwento niya.


I sighed, "Kaya nga binigyan ka ulit ng chance ni Lord na makahanap ng higit pa dun." sambit ko sa kanya.


He stared at me and smiled.


I handed him a glass of water dahil bakas sa mukha niya ang pagod.


"Thanks." he said as he accepted the glass of water I handed him, "Ikaw? 'Di ka ba pagod?"


"Ayos lang ako." mabilis kong sagot sa kanya, "Kanina pa ako nakaupo dito kaya napawi na rin 'yung pagod ko."


The Greatest Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon