(39) - The Obsessive Kind of Love

173 4 0
                                    

AUTHOR's POV


Kaagad pinuntahan ni Migs, Simon at Art si Erin sa mall, matapos nila'ng malaman ang nangyari'ng pagkuha ni Jeff kay Cathy. Hindi makapaniwala si Migs na aabot ang lahag sa ganito para lang makuha ni Jeff pabalik si Cathy mula sa kanya, ni-hindi niya naisip na kaya nito'ng gawin ang ganoong klase'ng bagay.


'Nang marating nila ang mall ay kaagad nila'ng pinuntahan si Erin kung saan ito nakipagkita.


"Erin!" napatakbo si Simon papunta sa asawa niya at kaagad ito'ng niyakap, "Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" tanong ni Simon kay Erin 'nang matapos ang yakapan ng dalawa.


Tumango naman si Erin, "Ayos lang ako. Si Cathy..." napatingin siya kay Migs.


Napahawak si Migs sa braso ni Erin, "Ano'ng nangyari? Paano'ng nakuha ni Jeff si Cathy? Bakit wala man lang tumulong sa inyo'ng dalawa?" natataranta'ng tanong ni Migs sa kanya.


"Migs, niyaya ni Jeff si Cathy na mag-usap, ayaw na nga sana ni Cathy pero nagpumilit si Jeff at nangako ito na hindi na niya kayo guguluhin basta pumayag lang siya na mag-usap sila sa huli'ng pagkakataon. Lumabas sila dun sa exit ng coffee shop na kinainan namin ni Cathy, pagkatapos 'nung matagal na sila'ng 'di bumabalik, sinundan ko sila. Pagdating ko dun, nakita ko'ng buhat-buhat na ni Jeff si Cathy na wala'ng malay." salaysay ni Erin. "Hindi ko naman alam na pwede'ng gawin 'yun ni Jeff." dagdag pa nito.


Napakuyom ang kamao ni Migs 'nang marinig niya ang nangyari kay Cathy.


"Anak, kumalma ka." sambit ni Art at inakbayan ang anak.


"Saan natin hahanapin si Cathy niyan?" nag-aalalang tanong ni Erin, "Tinry ko'ng i-track 'yung phone niya pero hindi na ma-track, eh."


"Malamang niyan pinatay na ng hayop na Jeff na 'yun ang phone ni Catherine." hula ni Migs at napasuntok siya sa pader na malapit sa kanila, "Kailangan nating mahanap si Cathy!"


Hindi alam nila Migs ang una nila'ng gagawin, kung tatawag ba sila ng tulong mula sa mga pulis o kung sisimulan na nila'ng hagilapin si Cathy. Pero saan naman nila hahanapin si Cathy? Hindi naman nila alam kung saan ito dinala o dadalhin ni Jeff. 


"Erin..." tawag ni Migs kay Erin 'nang mapalingon siya rito, "...wala ka ba'ng alam na pwede'ng pagdalhan ni Jeff kay Cathy? O kahit na ano'ng tago'ng bahay o lugar na pwede'ng puntahan ni Jeff?" tanong niya rito. 


Sandali'ng nag-isip si Erin at inalala kung may lugar nga ba'ng maari'ng pagdalhan si Jeff kay Cathy. Hanggang sa naalala ni Erin 'yung bahay na ipinagawa ni Jeff para sa kanila ni Cathy noon, kung natuloy ang kasal nila ay doon sila maninirahan. 


"Dun sa bahay na ipinagawa ni Jeff para kay Cathy, kung saan dun sila dapat titira pagkatapos dapat ng kasal nila'ng dalawa." mabilis na sagot ni Erin kay Migs. 


"Alam mo ba kung saan 'yun?" tanong ni Migs kay Erin. 


Tumango si Erin, "Isa'ng beses palang ako dinala dun nila Cathy at Jeff, pero natatandaan ko kung saan 'yun. Baka dun dinala ni Jeff si Cathy. Wala naman siguro'ng mawawala sa'tin kung susubukan natin, diba?" tanong ni Erin kay Migs, Simon at sa Tito Art niya. "Baka kung ano pa'ng gawin ni Jeff kay Cathy." 

The Greatest Love AffairWhere stories live. Discover now