(18) - Once is an accident. Twice is a choice.

269 4 0
                                    

CATHERINE's POV


Buong gabi akong hindi pinatahimik ng nangyari sa aming dalawa ni Migs.


His charming face haunted me the whole effin' night!


Nakatulog ako ng alas dose ng umaga at nagising kaagad ako ng alas-quatro ng umaga. Kumusta naman 'yung ganong klaseng tulog?


I groaned and toss around the bed.


"Ano ba naman 'tong nangyayari sa'kin?" I said to myself as I toss around my bed, "Umayos ka, Cathy! Get your act together and stop acting like a teenager."


At nababaliw na nga ba ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko ngayon?


I chuckled and covered my face with a pillow, "Baliw ka na, Cathy!" I groaned.


For heaven's sake, hindi na ako teenager. Pero ang pakiramdam ko ngayon para akong isang teenager na kinikilig dahil napansin siya ng crush niya. Well, 'di ko sinasabing crush ko si Migs, okay? It's just a metaphor!


It's just a metaphor.


🌺


April 28, 2019 (3 days left)


"Beshie!"


Kaagad dumilat ang mga mata ko 'nang marinig ko ang boses ni Erin sa labas ng pintuan ng kwarto ko.


Agad akong napabalikwas sa kama ko 'nang makita ko ang oras.


8:25am.


Shoot! Ang usapan maaga kaming gigising ngayong araw para sa picnic namin sa kabilang isla.


"Beshie! Wake up!" rinig kong sigaw ni Erin sa labas ng kwarto ko, "Gising ka na ba? Hoy Beshie! Nag-aalala na 'ko sa'yo ah. Hoy!"


Bago pa masira ni Erin ang pintuan ng kwartong kinalalagyan ko, agad akong tumayo at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko. Dumeretso ako sa pintuan at binuksanito. Tumambad sa'kin ang nag-aalalang mukha ni Erin.


Hindi ko alam kung saan siya mas worried.


Dun ba sa hindi pa ako gumigising? O dun sa baka ma-late kami sa schedule namin today?


"Sorry! I overslept." sabi ko at bumalik na ako sa loob ng kwarto ko, "Eto na. Kikilos na 'ko. Just don't pressure me, okay? Sumasakit ulo ko."


Papasok na sana ako sa loob ng CR para mag-ayos 'nang hawakan ako ni Erin sa magkabilang balikat ko at pinaupo niya ako sa kama ko.


"Relax." she urged then she sat down beside me, "Na-move ng isang oras na late ang schedule natin. Okay? Kaya may time ka pa para mag-ayos, para kumain sa baba. Kumain na kami nila Simon at nila Tita Sandy pero dahil late din nagising sila Lolo at Lola, pati na rin si Migs, nagdecide kami na i-move ng isang oras 'yung pag-alis natin."

The Greatest Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon