(24) - The Risk

272 3 1
                                    

AUTHOR's POV


Paano nga ba natin nalalaman na magiging worth it na sugalan ang isang bagay o ang isang tao?


May standard ba na kailangang sundin?


May qualities ba na kailangang maabot?


O kailangan ba itong pag-isipan ng mabuti?


Sa mga oras na narinig lahat ni Catherine ang totoong dahilan kung bakit pinlano ni Migs na iwasan siya pag-uwi nila ng Manila ay na-realize niya kung gaano talaga siya ka-mahal ng tao, kung gaano siya ka-halaga para kay Migs at kung gaano siya ka-concern sa kanya.


Hindi alam ni Catherine kung ano ang kahahantungan ng araw na 'to.


Wala siyang alam kung paano niya unang kakausapin si Migs. Wala siyang hinandang script tulad ng mga ginagawa niya sa mga speech niya tuwing Christmas Party, New Year's Party o ano mang okasyon. Wala siyang maisip na unang sasabihin sa kanya, ang alam lang niya, gusto na niyang makaharap si Migs at masabi niya rito ang tunay niyang nararamdaman.


Sugal man para sa kanya ang mahalin si Migs, wala na siyang pakialam. Mas kayang sumugal ni Catherine kasama si Migs kesa mabuhay 'nang wala ito sa tabi niya.


Hindi niya alam kung kailan pa nagsimula ang pagmamahal niya para sa lalaking ito. Hindi niya sigurado kung matatanggap ba ng mga tao ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Migs pero hindi 'yun ang iniisip niya habang nagmamaneho siya papuntang Laguna. Ang tanging nasa isip niya ay kung paano niya sasabihin kay Migs na mahal na mahal niya ito.


Madilim na at nakakarinig na ng kulog si Catherine 'nang marating niya ang address na binigay sa kanya ni Simon at Erin. Nahirapan siyang hanapin ang address dahil nasa liblib na parte na ito. Mabuti na lamang at may napagtanungan siya kaya't nakarating din siya sa bakasyunan na sinasabi nila Simon.


Kahit nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan, hindi pa rin nagbago ang desisyon ni Catherine na puntahan at kausapin si Migs.


Bumaba ng sasakyan si Catherine at hinanda ang sarili niya na harapin si Migs.


'Nang marating niya ang gate ng bakasyunan ay kaagad niyang pinindot ang doorbell at hinintay na pagbuksan siya ni Migs. Wala pang isang minuto ay nakita niyang bumukas na ang front door ng bahay at iniluwa ng pintuan na 'yun ang lalaking nakasuot ng kulay asul na polo at maong na pantalon. Kahit may kalayuan ang front door sa kinatatayuan ni Catherine, sa hubog at tindig palang ng lalaking nakita niya ay alam niyang si Migs na 'yun.


"Migs!" hindi napigilan ni Catherine na isigaw ang pangalan ni Migs 'nang makita niya ito.


Napakunot ng noo si Migs 'nang marinig niya ang boses ni Cathy, "Catherine?" 'nung una ay hindi niya makumpirma kung si Catherine nga ang nakita niya sa labas ng gate pero 'nang marinig niya na ang boses nito ay nakumpirma niya na si Catherine na nga iyon.


Mabilis na naglakad si Migs sa papuntang gate ng bakasyunan at pinagbuksan si Cathy.


"Catherine, anong ginagawa mo dito?"


"Catherine, anong ginagawa mo dito?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Greatest Love AffairWhere stories live. Discover now