(28) - At Once

236 4 3
                                    

AUTHOR's POV


Right after Cathy and Migs revealed to Jeff their real relationship, both of them felt relieved.


As soon as they got inside after the sudden confrontation with Jeff, naupo muna sila sa sala ng bahay nila Catherine at pinag-usapan ang nangyari. Tinanong ni Amanda si Migs kung paano nagsimula ang pag-uusap nila ni Jeff. Sinabi naman ni Migs ang totoong nangyari.


"Pasensya ka na sa inasal ni Jeff." ani ni Amanda 'nang matapos magsalita si Migs.


"Hindi niyo naman po kailangan humingi ng pasensya sa'kin, Tita Amanda." sagot ni Migs at marahan nitong tinapik ang balikat nito, "Naiintindihan ko rin naman po 'yung naging reaksyon ni Jeff. Nag-aalala lang po ako sa inyo, baka balikan niya kayo at mangulo na naman."


Bumuntong hininga si Cathy bago sagutin ang kasintahan, "Kung dun lang, may security guard naman kami dito sa bahay. Natapat lang na kumakain siya 'nung dumating si Jeff at sinugod ka kanina." hinawakan ni Cathy ang kamay ni Migs, "Pasensya na sa nangyari."


Inakbayan ni Migs si Cathy at iginaya ang ulo nito sa balikat niya, "No need to say sorry, Cathy. Wala namang nangyaring masama sa'kin." sagot ni Migs.


Hindi iniinda ni Migs ang paghawak ni Jeff sa magkabilang kwelyo niya kanina dahil bukod sa hindi naman siya nasaktan, mas nag-aalala siya na hindi pa rin tanggap ni Jeff ang paghigiwalay nila ni Cathy. Nag-aalala siya na baka gumawa ito ng paraan para paghiwalayin sila, bagay na hindi niya papayagang mangyari. Alam niyang 'di niya mako-kontrol ang sarili niga kapag nasaktan na ang mga taong mahal niya, kasama na doon si Catherine.


'Di nagtagal ay nagpauna 'nang umakyat si Amanda sa kwarto niya. Gusto na rin kasi nitong magpahinga at gusto rin nito na hayaang makapag-usap ang anak at si Migs.


"Love, sorry talaga ha."


Kaagad napatingin si Migs kay Cathy.


"O? Bakit?" tanong ni Cathy kay Migs dahil napansin niya na parang gulat ang ekpresyon ng mukha nito.


Imbis na sagutin kaagad si Cathy ay napangiti na lamang si Migs, dahilan para mas lalong magtaka si Cathy.


"Bakit ka nakangiti?" tanong ni Cathy kay Migs at kinurot ang ilong nito 'nang hindi siya sagutin nito, "Hoy! Ano nga?"


Migs chuckled, "I find it cute when you call me love." he said.


Napakunot ng noo si Cathy dahil hindi niya kaagad napansin na tinawag nga niyang love si Migs, na-realize na lang niya moments later. 


Sinabi ni Cathy sa sarili niya na hindi niya mamadaliin ang sarili niya, kahit gustong-gusto na niyang masuklian ang lahat ng ginagawa ni Migs para sa kanya. Mahal na mahal niya ito kung kaya't gusto niyang maibigay dito ang nararapat lang na sa kanya. Tulad ng payo sa kanya ni Erin, hindi niya minadali ang sarili niya. 


"Sorry kung nata---" 


"Bakit ka nagso-sorry?" hindi na pinatapos ni Migs si Catherine at kaagad niya na itong sinagot sa pamamagitan ng isang tanong. Humarap siya sa kasintahan at hinawi ang buhok nitong tumatabing sa mukha ni Cathy, "Hindi naman kita minamadaling makasanayan ang relasyon natin. We have the time in the world to adjust. Kaya wala kang dapat ihingi ng sorry sa'kin." 

The Greatest Love AffairDove le storie prendono vita. Scoprilo ora