(25) - The Beginning

254 3 0
                                    

CATHERINE's POV


I don't know what the future holds for me, well, no one knows actually.


'Yun ang pinakanakakatakot na parte ng buhay ng isang tao — hindi mo alam kung anong naghihintay sa'yo sa kinabukasan. Ni-hindi mo alam na may mga bagay pala na darating at mawawala sa'yo sa paglipas ng araw. Ang mga dating nasa'yo ay biglang babawiin at mawawala sa'yo. Ang mga dating wala ka, biglang darating at mapapa-sa'yo. Sabi nga ng Lola ko 'nung nabubuhay pa siya, ang hindi talaga para sa'yo ay babawiin pero ang sa'yo ay sa'yo at kahit hadlangan pa ito, hahanap pa rin ito ng daan patungo sa'yo.


At ngayon mas naiintindihan ko na ang ibig sabihin ni Lola sa sinabi niyang 'yun.


Hindi natuloy ang kasal namin ni Jeff dahil hindi kami ang nakalaan para sa isa't isa at dahil may ibang plano ang Diyos sa'min. Mahirap maintindihan kung bakit pinagtagpo pa kaming dalawa kung maghihiwalay din naman pala kami. Kinailangan pang may masaktan para lang makita ko ang tunay na para sa'kin. 


"Anak." sambit ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. 


Kaagad akong napatayo sa pagkakahiga ko sa kama ko 'nang marinig kong kumakatok si Mama sa pintuan ng kwarto ko. 


'Pagbukas ko ng pintuan ko ay nakita kong may dalang isang basong gatas si Mama. 


"Nakita ko kasing bukas pa 'yung ilaw dito sa kwarto mo, naisip ko na baka 'di ka makatulog kaya dinalhan kita ng gatas." sabi ni Mama. Sinagot ko lamang siya ng ngiti at pagtango. 


Pumasok kami sa loob ng kwarto ko at nilapag niya 'yung gatas na dala niya sa side-table ng kama ko. Pagkatapos ay naupo siya sa reading nook ko dito sa kwarto at hinawakan ang kamay ko. Mukhang may gustong sabihin si Mama o 'di kaya may gusto siyang pag-usapan. Alam na alam ko na kapag may gustong sabihin si Mama. 


"Ma, may gusto po ba kayong pag-usapan?" tanong ko sa kanya at tinapik ko ang kamay niya na nakahawak sa isa ko pang kamay pero hindi umimik si Mama at nanatili lang siyang nakatingin sa'kin, "Ma, you know you can always tell me anything." 


"Alright, alright." Mama sighed then she cleared her throat, "I'm just worried." 


Worried? 


Why is she worried? 


"I'm not worried about Migs and your relationship with him. Nag-aalala lang ako sa asawa niya." paliwanag ni Mama sa'kin.


Pagkatapos ng unang beses na magkakilala si Mama at Migs, actually not their first time to meet though, kumain muna kami ng lunch at doon kinwento ni Migs ang lahat. Mula sa hindi niya pagkakakilala sa tunay niyang magulang hanggang sa pagpapakasal niya kay Shantal. 


Mama can't help but feel sorry for him. 


Nalaman din ni Mama ang tungkol sa dahilan kung bakit gusto 'nang makipaghiwalay ni Migs kay Shantal, bagay na mas lalong ikinalungkot ni Mama. Kinwento na rin namin ni Migs 'yung unang beses na nagkakilala kaming dalawa ni Shantal, kaya nga siguro nag-aalala si Mama ngayon dahil baka kung ano ang gawing eskandalo nito. 

The Greatest Love AffairМесто, где живут истории. Откройте их для себя